Bobits at Talits Jokes – Part 1

Bobits – Ang bobo`t pilosopo

Talits – Ang matalino`t simpatiko

Bobits at Talits Jokes – Part 2

———————————————————————————–

Bobits at Talits sa Kalawakan

Si Bobits na isang astronaut ay pinadala  sa kalawakan at napansin niya na mayroong konting problema, hindi sumusulat ang ordinaryong bolpen sa kalawakan. Nung makabalik siya sa lupa ay nag-imbento siya ng  bolpen na may kakayahang makapagsulat sa kalawakan at pinondohan siya ng 300 million pesos para kanyang proyekto at tuwang-tuwa ang lahat dahil nagtagumpay siya at nagamit niya ang kaniyang imbensiyon sa mga sumunod niyang paglalakbay. Sunod na pinapunta ay si Talits, ayun, nagdala siya ng lapis.
———————————————————————————–

Bobits sa Klase

Teacher: Bobits, magbigay ka ng halimbawa ng hayup?
Bobits: Dog Mam!
Teacher: Very good! Give me another example.
Bobits: Another Dog mam!
Teacher: Abay pilosopo kang bata ka ah! Sige, subukan ko ang galing mo. Use “2 dogs” in a sentence.
Bobits: mmmmmmm.. Yesterday, I saw a dog..
Teacher: O, sabi ko dalawang dog ah!
Bobits: E mam teka muna di pa nga tapos e. Yesterday, I saw a dog.. connected to another dog.
———————————————————————————–

Bobits Pagkatapos ng Honeymoon

Bobits: Hoy, umamin ka nga sa akin. Kanina habang naliligo ka, kinalkal ko ang wallet mo at may nakita akong picture ng lalake. Sino yun? Tatay mo?
Asawa: Hindi ah..
Bobits: E sino yun kuya mo?
Asawa: Hindi rin..
Bobits: E baka naman Ex mo at ayaw mo lang umamin!
Asawa: Past is past! ba`t ko naman itatago pa yun!
Bobits: Sino kasi yun!!! Umamin ka!!!
Asawa: Ako yun hon, bago ang surgery.
———————————————————————————–
Bobits sa Sinehan

Bobits: Badtrip pre, naubos agad 1000pesos ko!
Talits: O, nagsine ka lang mag-isa diba?
Bobits: Oo nga.. Yung babae kasi sa entrance pinupunit yung ticket ko e! Adik ata pre!
———————————————————————————–




Diskarteng Talits

Talits: Mang Robert, makikihiram lang po ng martilyo.
Mang Robert: Ah o sige, hiramin mo kay Bebang may ginagawa pa ako e.
Talits: Salamat po.

Pumunta na si Talits kay Bebang

Talits: Bebang, pa kiss ako sa lips mo ng 5 minutes
Bebang: (Pasigaw) Tatay! Si Talits Ohhh!
Tatay: Sige na Bebang ibigay mo na, para yun lang e.

———————————————————————————–

Bobits at Talits sa Trabaho

Examiner: Lumabas na ang resulta ng exam niyo at isa lang sa inyo ang aming kukunin at yun ay walang iba kundi si Talits.
Bobits: Di naman po ata patas yun! Pareho namang 99 out of 100 ang tama naming sagot ah!
Examiner: Hindi kami nagbabase sa taas ng puntos na nakuha niyo. Binabase namin iyon sa mga sagot niyo sa exam. Naalala niyo ba ang sagot niyo sa no.36 question kung saan kayo nagkamali? Ang nilagay ni Talits ay “Sorry po, Di ko alam ang sagot sa tanong na ito.” at ang sagot ni Bobits sa no.36 ay “Ako rin po, di ko rin alam. Sorry din po.”
———————————————————————————–

Bobits at Talits naging Daga

Talits: Matagal ng nakapanggagambala ang pusa sa bahay na ito. Marami ng kauring nating daga ang kanyang nakain ng walang laban. Kailangan na nating gumawa ng hakbang.

Lahat ng Daga ay nag-isip buong gabi ng paraan at nagulat ang lahat ng binasag ng “Aha!” ni Bobits ang katahimikan

Bobits: Aha! Alam ko na! Lagyan natin ng taling may bell sa leeg ang pusa! Para malaman natin kung parating na siya at makaiwas ang lahat ng kauri nating daga!

Naghiyawan ang lahat at pinuri nila si Bobits sa kanyang idea, ngunit nagtataka sila dahil walang reaksyon si Talits.

Bobits: Bakit Talits? Hindi ka ba kumbinsido sa ideya ko?
Talits: At sino sa tingin mo ang dapat maglagay ng tali sa leeg ng pusa?
———————————————————————————–

Talits at ang Genie

Genie: Dahil pinalaya mo ako sa lamparang ito ay tutuparin ko ang iyong 3 kahilingan.
Talits: Talaga?! Kahit ano?
Genie: Sa isang kondisyon.. Lahat ng Pulitikong Mandarambong sa buong mundo ay magkakaroon ng Doble ng lahat ng iyong kahilingan!
Talits: Ok.. sige.. Kahit medyo masama sa loob ko..  Una, Bigyan mo ako ng Ferraring Red na kotse na matagal ko ng pangarap!
Genie:Masusunod ang iyong kahilingan. Nasa bahay mo na ngayon ang kotse at nasa bahay na ng lahat ng mga pulitikong mandarambong sa mundo ang 2 nilang bagong kotseng matagal mo ng pangarap. At ang iyong pangalawang kahilingan?
Talits: Sunod naman ay bigyan mo ako 500 million pesos.
Genie: Masusunod ang iyong kahilingan. Nasa banko mo na ngayon ang iyong pera at nasa banko na rin ng mga pulitikong mandarambong sa buong mundo ang 1 Bilyon Piso na doble ng kahilingan mo. At ang iyong huling kahilingan?
Talits: Matagal ko ng gustong mag-donate ng isang kidney sa mga nangangailangan. Yun na lang.

———————————————————————————–

References:
by Eric1969 @ @pinoyjokes.net
Jamx @ funnypinoy.com
Leila Corrine
Andrei Bowers
mystupidjokes.com
jokes2000.com

0 thoughts on “Bobits at Talits Jokes – Part 1

Leave a Reply