Bobits at Talits Jokes – Part 2

Bobits at Talits Jokes – Part 1<–

AYAW MAPUNTA SA LANGIT

Si Talits, Bobits at ang Basurero sa Langit Si Talits na isang Guro, ang basurerong mabaho at ang isnatser na si Bobits ay sabay-sabay na namatay at napunta kay San Pedro.

San Pedro: Ang makakasagot lang sa aking mga katanungan ang may karapatan na pumasok sa langit. Talits, ikaw ang una,Ano ang pangalan ng sikat na barko na lumubog dahil sa pagbangga sa iceberg?

Talits: Tinuturo ko po iyan sa aming klase, Titanic po!

San Pedro: Magaling! Maaari ka ng pumasok. Ikaw naman basurero, (Nabahuan si San Pedro at naisip niyang parang di siya nababagay sa langit kaya hinirapan niya ang kanyang tanong), Ilan ang namatay sa lumubog na Barkong Titanic?

Basurero: Yan lang po ang pelikulang napanood ko sa buong buhay ko kaya hindi ko po iyan makakalimutan, 1228 po lahat ng namatay!

San Pedro:Mahusay! Maaari ka ng pumasok sa langit. Ngayon, Bobits, Pangalanan mo silang lahat.

——————————————————-

LANGIT vs LUPA

Nagsulatan Si Talits at Bobits Dear Bobits, Dito sa langit:

Ang gasolinahan ay Total at Jetti

Ang bilihan ng CD ay National Bookstore

Ang taga-serve ng pagkain ay taga-LBC Ang palabas sa TV ay GMA at ABS-CBN

Ang drainage system ay tulad sa Makati

Ang inuming tubig ay mula sa Mt. Banahaw

Ang mga driver ng Bus dito ay mga bumibiyahe ng East Wood

Ang trapik ng kalsada dito ay parang NLEX, halos wala

Sagot ni Bobits sa sulat ni Talits Dear Talits, Dito sa impyerno:

Ang gasolinahan ay Caltex at Shell

Ang bilihan ng CD ay CD-R King

Ang taga-serve ng pagkain ay taga-NBI

Ang palabas lang sa TV ay Home TV Shopping

Ang drainage system ay tulad sa Manila

Ang inuming tubig ay mula sa Manila Bay Walk

Ang mga driver ng Bus dito ay mga bumibiyahe ng EDSA

Ang trapik ng kalsada dito ay parang Las Pinas, imposibleng wala

——————————————————-




SAHIG LANG NAMIN YAN

Bobits sa Langit Nanalo si Bobits sa Lotto ng Jackpot na 700 million pesos na binili niya agad ng mga gold bars. Kaya lang kinabukasan ay namatay siya agad. Pagkamatay niya ay narinig ng isang anghel ang kanyang huling kahilingan na kung puwede ay makapagdala siya sa langit ng kahit isang maleta ng kanyang kayamanan para sa kanyang kasiyahan. Sinabi ito ng anghel sa Dakilang Manlalalang at pinayagan siya ngunit gaya ng napagkasunduan ay isang maleta lang. Kaya inihanda na ni Bobits ang kanyang maleta na punung-puno ng gold bars. Pagdating sa entrance ay kinausap siya ni San Pedro.

San Pedro: Op op op ops, di mo madadala ang iyong kayamanan dito sa langit!

Bobits: Nagkasundo na po kami ng Dakilang Manlalalang. Kung gusto niyo po ay tanungin niyo po siya.

Inalam ni San Pedro Kung Totoo nga ang sinabi ni Bobits at laking gulat niya na totoo nga ito.

San Pedro: OK OK, maaari ka ng pumasok.. Pero pwede bang makita ko ang laman ng maletang yan para sa seguridad ng langit? Bobits: Wala pong problema at bubuksan ko po sa inyong harapan. San Pedro: Ha??????!!!! Ba`t ka nagdala ng tiles?

————————————————————–

GINUSTO SA IMPYERNO

Pinapili si Bobits Isang araw, Ang may-ari ng kompanyang si Bobits ay nasagasaan ng bus at agad na namatay at napunta kay San Pedro: San Pedro: Bobits, nasa langit ka na ngayon. Pero hindi ibig sabihin nun ay makakapasok ka na. Para sa isang tulad mong masamang tao ngunit may malinis na puso tulad ni Robin hood, ay bibigyan ka namin ng karapatan mamili kung dito ba sa langit ang gusto mo o sa impyerno.

Bobits: Dito na po sa langit ang gusto ko. Papasukin niyo na po ako.

San Pedro: Bago ka magdesisyon ay ipapakita ko muna sa iyo ang impyerno.

Bumaba na si Bobits sa impyerno mag-isa at laking gulat niya na pag-bukas ng pinto ay nakita niya ang kanyang mga kaibigang mga boss ng ibang kompanya na naglalaro ng Golf sa isang napakalawak at napakagandang golf course. Binati siya nito at niyaya siyang maglaro habang nagkwekwentuhan at binabalikan ang kanilang mga nakaraang masasayang araw. Pag katapos nilang maglaro ay kumain sila ng Hipon at Lechon Baka na ubod ng sarap. Nilapitan siya ng diablo na ubod ng sexy at ubod ng ganda at niyaya siya nitong sumayaw at hinayaan siyang akapin at halikan. Masayang-masaya na si Bobits ng biglang nalaman niyang oras na palang bumalik kay San Pedro. Nagpaaalam na sa kanya ang kanyang mga kaibigan habang papaakyat na siya sa langit.

San Pedro: Maligayang pagbabalik Bobits, Oras na para mamili ka kung saan mo gustong mamuhay magpakailanman. Tandaan mo na ang desisyon mo ngayon ay di na puwedeng bawiin kaya`t pag-isipan mo maige. Sandaling nag-isip si Bobits at sinabi na rin ang kanyang nasa sa isip.

Bobits: Di ko akalain na magiging ganito ang desisyon ko. Hindi naman sa ayaw ko dito sa langit, sa totoo lang maganda at masaya dito sa langit.. Kaya lang sa tingin ko mas sasaya ako impyerno..

San Pedro: OK.

Sinamahan na ni San Pedro si Bobits sa impyerno at laking gulat ni Bobits ng bumukas ang pinto. Mabaho, Maingay, Madumi at Madilim. Nakita niya ang kanyang mga kaibigan nakasuot ng basahan at nangongolekta ng basurang nilalagay sa sako. Habang pinapalo ng latigo ng mga alagad ng Diablo.

Bobits: Hindi ko maintindihan! Nung pumunta ako dito ay sobrang ganda at nag-golf pa kami ng mga kaibigan ko`t kumain ng masasarap na pagkain. Ngayon, isa na itong mundo ng basura, galit, hirap at poot!

Diablo: Hahahahahahahahahaha!! Kahapon nirerecruit ka namin. Ngayon kasi, you`re  already part of the team!

——————————————————————

ahajokes.com

0 thoughts on “Bobits at Talits Jokes – Part 2

Leave a Reply