Piliin mo ang gustong-gusto mo.. at hindi ang gusto mo lang..

Minsan nalilito tayo sa multiple choice.. Dahil minsan, para sa atin 2 ang tamang sagot.. Pero sa totoo, isa lang talaga ang tama.. Ayaw lang natin maniwala dahil mahirap para sa atin itong paniwalaan.. at ayaw nating  magkamali.

Minsan may mga maliit na bagay na hindi natin napapansin.. malamang dahil maliit sila o baka dahil maliit lang ang tingin natin sa kanila. Minsan may gusto silang sabihin pero di nila masabi sayo dahil alam nila na hindi mo sila hahayaang magsabi sayo. Bubuka pa lang ang kanilang bibig ay tinatakpan mo na. Nagpaplano pa lang, pinipigilan mo na.

Noong unang panahon, makita lang ng mga taga-bayan na may paparating na mga dayuhan, automatikong ihahanda na ang lahat ng mga kawal at kanyon at automatikong kalaban na ang mga iyon kahit pagkikipagkaibigan ang layon.

Ang pagiging bukas ng isip ng tao sa ideya at kagustuhan ng iba ay ang minsan nagiging simula ng maayos na samahan sa pangkalahatan.

“Anak mag dodoktor ka.”

“Pero tay..”

“Magdodoktor ka o magdodoktor ka.. yan lang ang pagpipilian mo anak..”

“Tay..”

“May third choice ka pa pala.. at yun ay mawawalan ka nang Ama..”

Tulad na lang nang magulang na nagpapasya kung ano ba ang dapat na tahakin ng anak nila kahit na ang anak naman ang mag-aaral at hindi ang magulang. Magulang na nagpapasya kung sino ba ang dapat pakasalan nang anak. Magulang na kulang na lang ay lagyan nang tali sa leeg ang kanilang anak upang mapasunod. May dahilan ang anak mo.. may gusto ang anak mo.. pero di mo man lang sila hinayaang maipaliwanag sa iyo kung bakit ba ayaw o gusto nila ng ganito ganyan.

“O anak nakapag-isip ka na ba nang gusto mong kunin?”

“Meron na po tay.. pero pasensya na po dahil hindi po pagiging doktor ang kukunin ko kasi hindi po ako kasing galing ninyo..”

“Ah ganun ba, o sige kung ano man ang piliin mo, sabihin mo lang, andito lang kami para sayo.. “

Nakikita niyo ba na darating ang araw na ang magulang naman ang hihingi ng pabor sa kanilang mga anak?




“Anak, ayaw ko na dito sa Maynila.. Kasi nami–“

“Hindi pwede, dito lang kayo.”

Sana nga ay hindi dumating ang araw na ang mga anak niyo na pinagkaitan niyo ng kalayaan ay gayahin ang kinamulatan nilang pagpapalaki ninyo.

Hindi porke kinalabit ka nang pulubi ay manghihingi na siya nang barya.. Malay mo, magtatanong lang sayo kung anong oras na kahit meron siyang sariling relo..  di niya lang alam ang pagbasa  nang oras..

Kailangan nating matutong tumimbang nang sitwasyon.

Kailangan nating matutuhan kung kailan dapat bigyan nang pagkakataon ang isang bagay.

Kung kelan dapat lumaya at magpalaya.

Kung alam mong maraming masasaktan at ayaw mo silang masaktan, wag kang gagawa nang bagay na ikasasakit nila.

Kung kaya mo naman panindiganan ang magiging desisyon mo kahit na ikasakit nang damdamin ng iba, Sige lang.

Pero sabi nga.. Piliin mo ang gustong-gusto mo.. at hindi ang gusto mo lang.. dahil pagsisisihan mo yan sa huli at panghihinayangan sigurado.

Dahil minsan, ang isang maliit na desisyon ay nagdudulot nang malaking epekto sa buhay ng tao.

Gaya nang maliit na langaw na dumapo sa tae, pag dumapo sa kanin mo na bagong saing, tiyak na ikaw ay magta-tae.

-Metaporista

Yaman o Ligaya? EDSA o Buendia?

O  ipapaubaya  nanaman sa manlilikha?

Pero di siya sasagot..

Tiyak, ika’y mayayamot..

Binigyan ka niya nang isip para ikaw ang sumagot

Mamili nang di mo ikalulungkot

Desisyong ikaw

ang mananagot

0 thoughts on “Piliin mo ang gustong-gusto mo.. at hindi ang gusto mo lang..

  1. Habang binabasa ko ang nilalaman ng iyong akda, napapatango tango na lang ako. Tunay naman kasi, karamihan sa atin, hinaharap ang mga bagay ng may saradong pagiisip.

    Napadaan lamang po at akin din kayong idinagdag aking links 🙂

  2. ang hirap magcomment, hehhehe. basta sa akin kapag naipit ka sa isang stwasyon na dalawang choices na lang ang available at sa tingin mo ay pareho namang tama,Follow your heart na lang. hehe.

  3. Malupet ka pala metaporista.. Ikaw po ba yun? ahehe.. May mga maliliit na bagay na hindi napapansin ngunit ito pala ay malaki ang ibig sabihin sa iba..

  4. oo nga naman, kung para sa iyo ay maganda ang desisyon mo, hindi iyon ibig sabihin na maganda at karapat dapat din sya para sa katabi mo… dapat parating maging bukas ang isip. napadaan lang 😀

  5. Mahirap talaga, ang maliliit na desisyon kasi, maliliit man, kasamang humuhubog ng pagkatao at kinabukasan mo. At oras na gawin mo na ang desisyong yon, meron pang next step, ang panindigan ito.

    🙂

Leave a Reply