Foreigner na Pulubi sa EDSA-Taft

Malamang naholdap. O kaya naloko at ninakawan ng bebot habang siya’y tulog. Pero hangga’t hindi siya nakakausap, hindi natin malalaman kung ano ang totoo.

 

Isa lang ang masasabi kong totoo.. na halos umulan ng barya sa lalagyan ng pulubi. Yung iba bumabalik pa para mag-abot dahil na rin sa karatulang “I’m hungry I got no money Tank you” (Hindi ako sigurado sa saktong salita)

 

Minsan lang kasi mangyaring ang foreigner ang hihingi ng tulong kaya sigurado halos lahat ay gustong makatulong. Ang nakakalungkot lang, pag foreigner, visible na visible ata dahil sa tangos ng ilong at mamula-mulang kulay. Samantalang ang ibang pulubing kapwa filipino ay invisible para sa karamihan. Dinadaan-daanan.. Aabutan lang pag may kasamang girlfriend at boyfriend o manugang na gustong pagpasikatan. Aminin na nating ilan lang naman sa atin ang handang tumulong sa kapwa filipinong pulubi. E mukha kasing sindikato. E mukha kasing tamad at puro asa. E mukha kasing mabaho at kung ano-ano pa.

 

Malamang mababalita pa yang dayuhang pulubi. Sana nga matulungan din siya sa lalong madaling panahon.. Dahil yung limos na napupunta sana sa kapwa kababayang pulubi, napupunta sa kanya.

-Metaporista

Kung ako’y magiging pulubi

 

0 thoughts on “Foreigner na Pulubi sa EDSA-Taft

  1. mas nalulungkot ako sa kadahilang may mga pulubi ..

    hindi ko alam kung bakit ganyan ang pinoy , naturalesa na lang ata natin na “i-please” ang ibang lahi. :/

    sana mali ako sa haka haka kong ito.

  2. “Aminin na nating ilan lang naman sa atin ang handang tumulong sa kapwa filipinong pulubi. E mukha kasing sindikato. E mukha kasing tamad at puro asa. ”

    Naniniwala ako rito. Hindi naman sa kelangan nating “i-please” ang ibang lahi. Marami kasing pagkakataon na kapag tinulungan natin ang mga Pilipinong pulubi ay lalo pa silang gagawa ng masama o mapupunta sa masama. Etong foreigner kasi ay walang dahilan para mamalimos o dumayo sa Pilipinas para huthutan ng pera ang mga pedestrian.

    Sana nga matulungan na siya na makauwi ng kanyang bansa.

  3. dami din kasi lokong pulubi, may mga bisyong pulubi pa. kung tutulong kayo siguraduhin nyo na makakatulong kayo. hindi abot lang ng abot ng pera.

  4. ang mabuti pa, damputin yang ng DSWD at ibigay sa US Embassy para sila na ang magpakain. pati ba naman pulubing pinoy, aagawan pa ng ‘customers’ ng mga kano? XD

Leave a Reply