2013

2012

2011

2013

Oi! Isang taon na rin ah.. Hehe.. Una sa lahat binabati ko kayo dahil umabot pa kayo ng 2013.

O kumusta naman ang buong taon niyo? Alam kong hindi OK kahit malaki laki ang sinuweldo niyo ngayong Disyembre.

Exciting at makulay ang 2012 niyo hindi ba?

Sinong mag-aakalang ang chief justice ng isang bansa ay magiging guilty sa pagkakaroon ng mga tagong yaman? Napakabihira mangyari yun. Yung mga dating chief justice naman ay hindi ko kasi hinayang maamoy at pagkainteresan ng taumbayan.

Sino ulit ang mag-aakalang ang isang senador na isa rin sa dapat maging huwarang mamamayan ay mahuhuling nangongopya ng mga artikulo na hindi nagpapaalam sa isang blogger.

Sinong mag-aakalang kung sino pa ang mga pinuno na malilinis ang hangarin at pamumuhay ay yun pa ang unang mamatay tulad ng nangyari kay Sec. Jesse Robredo. Ang totoo niyan, nagdalawang isip ako kung hahayaan ko ba siyang mamatay. Kinuha ko na lang siya para maitaas ang kalidad ng mga piloto at ng mga eroplano niyo diyan.

Sino ring magaakalang mapapatumba ni Marquez si Pacman? Chamba? Hindi. Sinadya at prinogram ko na na mangyari yun mula pa nung una. Dalawa ang dahilan ko diyan. Una para maramdaman niyo kung ano ang nararamdaman ng mga Mexicano tuwing natatalo ang pinakapipitagan nila at iniidolong mga boksingero. Pangalawa, Gusto ko ring ipakita sa inyo na hindi sapat ang pagpanalangin niyo sa akin. Sa buhay niyo, magugutom kayo kung hindi kayo magsisikap at magtratrabaho maige. Sa boxing, kung sino ang mas masipag sa ensayo, siya ang nananalo.

Tutal napagusapan natin ang boxing, wag kayong mag-alala dahil hindi ko pa rin hahayaang mabura ang bandila ng pinas sa ring ng boxing dahil hinanda ko naman si Donaire, Tulfo at Raymart para sa inyo.

O e sino ring mag-aakalang kukunin ko na rin ang Comedy King ninyong si Pidol. Awang-awa na kasi ako sa kanya dahil matagal na siyang binabalitang patay ng media. Malaki ang pera sa Chismis. Itanong niyo pa kay Lolit Solis. Atleast ngayon, wala ng malolokong bibili ng diyaryo tuwing mafrofrontpage na namatay nanaman si Pidol. Alam kong hindi niyo malilimutan ang taon na ito na iniwan na kayo ni Marcova. Pero mukhang kailangan ko pang ipaalala sa inyo na namatay din si Iggy Arroyo. Oo, alam kong wala kayong paki at may mas paki kayo sa taga San Bedang namatay sa hazing.

Sino ring magaakalang hindi kayo kayang ipagtanggol ng mga pinuno at general sa mga tsinong nagaangkin ng Scarborough Shoal? Palakihan ng barko? Padamihan ng barko? Harangan ng saging at dual sim na iphone? Ngayong 2013 mas lalo kong paiinitin yang issue na yan. Makikita niyo kung sino talaga ang tunay na makapilipino. Oo, makapilipino.

Sinong magaakalang muntik na pagbawalan ang magbunyag ng katiwalian ng mga pulitiko at tao sa social media? Natakot ka sa Cyber Crime Law ano? Alam mo kasing siguradong makukulong ka kung kakalkalin ng NBI ang wall mo.

Sinong magaakalang dadaluhungin ng troso ang mga kababayan niyo ng bagyong Pablo. Ok din ba ang pagpapadala ko ng bagyong Gener sa inyo? Ang galing ano. Kailangan niyo pa pala ng isang bagyo para makita ang pagkakaisa niyo.

Marami pa akong celebrity na papatayin ngayong 2013. Marami pa akong problemang dadalhin sa bansa niyo. At marami pang mga bagay na hindi niyo inaaakalang mangyayari ang magaganap. Di ko mapigilan kasi naaaalala niyo lang naman ako pag may delubyo. At akala niyo ba tapos na ang mga taong magpipiling na manghuhula ng end of the world? Mag-antay lang kayo at meron nanamang lalabas diyan. Gagamitin ang siyensya at giyera para takutin kayo na magugunaw na ulit ang mundo. Wala kayong dapat katakutan kung wala kayong ginagawang masama.

Gawin niyong maayos ang 2013 niyo. Magsipag kayo lalo. Manood ng balita. Bawasan ang pagnanakaw ng oras sa trabaho. Iwasan ang pagsisinungaling at panloloko lalo na sa kamag-anak niyo. Kinasusuklaman ko yan ng lubos.

Wag rin kayong matakot dahil mas malala ang nararanasan ng ibang bansa sa middle east kesa sa inyo.

Parami na ng parami ang hindi naniniwala sa akin. Nakakalungkot pero ganun talaga. They think Amalayer.

-Metaporista

0 thoughts on “2013

  1. Pingback: 2014 | Metaporista

Leave a Reply