Gulo sa Mindanao – Dahil kay Napoles

4 ang sangkot sa gulo na ito.

Military
MNLF
Media
Pork members

Pag may gulo sa Mindanao at taga-maynila ka, iisipin mo agad na pasimuno ito ng mga bandidong MNLF. Automatic yun. Dahil na rin siguro sa imahe na pagkakakilala sa Abu sayyaf.

Matagal ng merong peace talk ang MNLF at pamahalaan. Nag-kaayos na sila at may cease fire. Nagkasundo na hindi na manggugulo at kung may magkasala sa panig ng MNLF ay dadaan sa tamang proseso sa hukuman.

Isang araw may Scandal na lumabas. Hindi yung kay chito at wally ang tinutukoy ko kundi yung Kay Napoles. Maraming sangkot dyan, nation wide na lagayan sa senado, congress, militar, media at iba pa. Lahat ng sangkot ay hindi na makatulog sa gabi sa kakaisip ng paraan para matakasan ang magiging baho sa pangalan nila. Ang iba lumipad na sa ibang bansa, ang iba nagtago na ng kayamanan at ang iba nag-iisip lang ng butas para makalusot gamit ang pag-iisip ng imbento at palusot na istorya.

Para makatakas na ang mga sangkot at makapag-isip pa sila, sinamantala nila ang pagkakataon.

Mapayapang mag-rarally sana ang MNLF. Binaril sila. Dumepensa sila. Nagtataka ang kanilang mga isip.

MNLF: Abay bakit niyo kami binabaril? Akala ko ba ay may usapan na tayong walang barilan?

Militar: Sorry napag-utusan lang ng mga opisyal para ma-divert ang issue ni Napoles sa inyo. Tutal kahit kami ang mag-simula ng gulo, iisipin pa rin ng mga tao na kayo ang nag-simula.

Media: Ui, may nabaril na sundalo! Bad boy talaga yang MNLF! Pati taga redcross nasaktan! Bad boy ang MNLF! Well, lagi naman ganun ang pinapalabas namin.

Pork members: Na-saito natin sila! Game game game, seryoso na. Kahit anong mangyari, walang aamin. Dibale ng magmukha tayong engot sa batas at proseso basta sabihin lang natin na di kasi natin alam. Mukhang malabo ng maibalik ang pork dapat makahanap tayo ng bagong raket habang nagkakagulo sa mindanao. Si Nur Misuari, siguraduhin niyong di siya magsasalita na binayaran natin siya para guluhin ang kanyang mga alagad. Siguraduhin niya kamo na patagalin ang gulo ng ilang weeks pa para makalusot tayo lahat.

Leave a Reply