Teorya: Time Machine

Sa totoo lang galing ka sa future. Ngayon ay nakalipas mo na. Bumalik ka lang dito dahil gusto mong itama ang mga pagkakamali mo at mga bagay na lubos mong pinanghinayangan at pinagsisihan. Yun nga lang, kapalit ng paglalakbay tungo sa nakaraan ay ang pagkabura ng iyong alaala mula sa hinaharap. Makakalimutan mo lahat ng galing sa future kaya hindi mo maalala kung sino at kailan naimbento sa hinaharap ang time machine. Babalik kang blanko sa normal na pagkatao mo. Kaya pag dumating ang punto na kailangan mong pumili, manindigan ka at piliin ang bagay na pinaka gusto mo at taong pinaka gusto mo. Unlimited ang pagbalik sa nakaraan pero kung di mo gagawin agad ang tama at pipiliin ang makakapagpasaya sa iyo, mag-aantay ka nanaman ng maraming taon ng kalungkutan at pagsisisi para makabalik nanaman sa nakaraan gamit ang time machine sa hinaharap. Kaya wag maging padalos-dalos sa desisyon higit sa lahat, wag sayangin ang oras. Magmahal, matuto, magsaya at ipaglaban at protektahan ang mga tao at bagay na ayaw mong mawala sa iyo.

metaporista

20130924-040313.jpg

Leave a Reply