Manny vs Money

BIR Henares

Saan lulugar ang BIR at si Manny?

Siguro si Henares: Paano kaya natin magagawan ng paraan para ma-check kung talagang nagbabayad ng buwis si Manny sa US? Kung hindi siya nagbayad doon ay kailangan niyang magbayad dito. Dalawang taon na natin siyang pinagbigyan pero wala pa rin siyang mapakitang matibay na ebidensya na nagbabayad siya ng buwis? Hindi naman natin siya masingil agad-agad dahil lagi siyang may laban at baka sisihin pa tayo pag natalo. Pagsiningil naman natin siya after ng laban niya at natalo siya, magagalit ng sobra ang mga tao sa atin. Sasabihan tayong walang puso at porque natalo siya ay sisingilin natin siya. At kung kelan down na down si Manny ay lalo pa natin siyang hinahatak pababa. Pag nanalo naman siya sa laban ay sasabihan tayong walang utang na loob na pagkatapos niyang magbigay ng karangalan sa bansa ay ganun ang gagawin natin sa kanya. At dahil nakapagbigay nga siya ng karangalan ay kampi sa kanya lahat ng tao kahit meron siyang pagkukulang sa gobyerno. Lahat ng depensa at sasabihin ni Manny ay tatanggapin ng mga tao. Dahil bayani siya at nabuild na sa mga tao na siya ay “banal” at nagbagong buhay na. Alam ng mga tao ay malinis ang kanyang pamumuhay. Ebidensya na nagbayad na siya ng tax sa US: yan lang kailangan para di na lumaki ang issue. Sasabihin niya na hindi iyon galing sa nakaw para madivert ang aatensiyon sa politikong magnanakaw na kinagagalitan ng mga tao. Kung mapakita niya e di tapos. Kung hindi siya nagbayad doon ay kailangan niyang magbayad dito. Bayani man o simpleng tao ay sisingilin namin sa buwis. Batas ito para sa mga tao at hindi ito batas ng mga tao. Saan ako lulugar?

Siguro si Pacquiao: In the name of the lord masosolusyunan ang ating problema. Magdodonate ako sa Tacloban kaso frineeze yung account ko. Sayang marami pa naman sana akong gustong itulong. Nagbayad naman ako ng buwis sa US e. Itanong niyo pa sa top rank. Ba’t ako hinaharass niyo? Di naman galing sa nakaw yun o sa PDAF o DAP. Paano ako makakatulong? Masisira ang pangalan ko pag di ako tumulong! Gusto ko sila bigyan ng inspirasyon. Since panalo ako, aapela ako dahil panig sa akin ang mga tao. Pero paano pag hindi nila ako panigan dahil hindi ko naknock-out si Rios? Saan ako lulugar?

-metaporista

Leave a Reply