Anong Nangyayari sa Ating Moralidad?

Image

 

Masyadong intense ang linggo na ito para sa mga Pilipino. Nagliliyab at umuusok ng kulay pula ang mga letra sa dyaryo, TV at internet. Napakahirap malaman kung sino ang papanigan? Sino nga ba ang nanggigipit at totoong ginigipit? Marami ba ang tulog sa subject na Values Education? Mukhang dapat paigtingin ng DEPED ang kanilang curriculum para mapataas ang moralidad at ethics ng ating mamamayan.

Moral Education in Japan

Moral Education in Singapore

Reintroduction of Moral Science in India

 

Ano na ang nangyayari sa bansang Pilipinas?

Ang mga senador natin ay nagmimistulang mga batang nag-aaway. Kahambing nila ang ating mga kapit-bahay na nagsisigawan at naninira ng reputasyon?

Ang isang matinong magulang, pinapaamin ang anak sa tamang paraan. Kakausapin ng sarilinan at babagbagin ang damdamin ng anak udyok ng pagmamahal at pagnanasa na lumaki ang anak na matapat at mabait. Ang hindi matinong magulang ay yung binibiting patiwarik ang anak habang nilulubog sa drum para paaminin kung siya nga ang dumukot ng 3 piso na nakapatong sa pasimano ng kanilang bahay.

Sana hindi patulan ng isa’t isa ang mga pasaring at paninirang puri kundi daanin sa paraan na naaayon sa batas. Kung sa murang edad ay makikita ng mga bata na pwede palang baluktutin at pwede naman pala manira ng kapwa, may posibilidad na kalakihan nila ito.

Kung nagkasala, umamin. Humingi ng tawad sa pinagkasalahan.

Kung nagkasala sayo, patawarin mo ng buong puso at wag ng magtanim ng galit.

 

Sino ang nagsasabi ng totoo kanila Henares at Manny? Panggigipit nga ba ito kay Manny o ginagawa lang ni Henares ang kanyang trabaho? Tumatakas ba si Manny o may lihim lang na intensyon ang gobyerno para sa kanya?

Hindi natin masasabi sa ngayon kung ano ang totoong istorya. Hindi silang dalawa ang may pagkukulang sa moral kundi ang mga tao na agad-agad na nanghuhusga sa mga tao na hindi muna inaalam ang totoong pangyayari. Para silang nagsasaing sa kalan na basta na lang pinapatay ang apoy at hindi muna sinisilip. Binigyan tayo ng kalayaan makapagpahayag ng salita at nararamdaman pero dapat lang siguro na maging mapanuri muna tayo. Dapat sa ganitong mga pagkakataon na wala tayong direktang kinalaman ay matuto muna tayong tumahimik at timbangin ang mga pangyayari bago natin ilabas sa ating bibig o i-type ng ating mga kamay.

 




Binebenta ang mga paninda mula sa naganap na looting sa mga nasalanta ni Yolanda? Kung ikaw ang tatanungin, tama ba gawin ito? Kung sakaling totoo ito, Sapat ba na dahilan ang pagnanakaw para makabangon muli? Meron tayong kasabihan na “Ang taong gipit, sa patalim kumakapit” pero hindi ito dapat isabuhay bagkus ay dapat itong iwasan. Hindi ito patas dahil marami ang nasalanta. Hindi ko sinasabing tama pero mas katanggap-tanggap kung gagamitin ang ni-loot sa pangsarili dahil sa wala kang maisuot, makain at gamot. Nag-iiba ang usapan kung ibebenta mo ito dahil bagaman nakinabang ka pangsarili ay kinuhanan mo naman ng pera ang iba. Ang moralidad ng pagiging tapat at mapagbigay ay mukhang nawawala sa mga taong naapektuhan at mukhang napapagharian sila ng kasakiman.

 

Nandiyan na iyan at ginagawan na ng paraan. Ang dapat lang pagtuunan ay ang paghahanda para di maulit ang ganitong kalaking pinsala sa mga tao.

Malaki ang pinsala ni Yolanda pero mas lalo pa itong pinalaki ng mga taong napagkaitan na manindigan sa moral at ethics.

Ang agarang aksyon ng DEPED ay makakatulong sa pag-gabay sa mga kabataan para kanilang paglaki ay maging natural na at effortless ang pag-gawa ng mabuti. Pero syempre, ang magulang pa rin at ang mga kasama sa bahay ang pangunahing makaka-impluwensiya sa bata na manindigan sa tama at gabayan sa iba’t ibang uri ng media ang kanilang anak.

Isinasabuhay ang moral hindi dahil sa iyong paniniwala kundi sa pagnanasa sa buhay na mapayapa.

Oo, imposibleng magkaroon ng perpektong buhay dito sa mundo. Pero subukan. Pilitin natin.

 

Metaporista

 

 

0 thoughts on “Anong Nangyayari sa Ating Moralidad?

Leave a Reply