2014

2013

2012

2011

ff

Masyadong madrama ang taon na ito. Mula sa scandal ni Chito at Wally hanggang sa pagka-pilay ni Silva at syempre ang pinakatampok sa taong ito, walang iba, kundi si Yolanda.

Kung hindi dahil kay Megan Young at Ariella Arida, pati kina Johanna Datul, Bea Rose Santiago at Koreen Medina, walang magiging magandang balita para sa mga Filipina.

Maliban kasi sa bus na lumipad sa Skyway ay nangyanig din ang 7.2 Magnitude na lindol sa Bohol. May namaril sa NAIA, nagnakaw sa SM North at may mass murder na naganap sa Kawit, Cavite at Atimonan, Quezon. Kahit saan ka pumunta, hindi mo masasabing safe ka.

Namatay ang pinakamalaking buwaya, si Lolong. Nahuli ang mas malaking buwaya kaya lang ‘Wala’ raw siyang alam.

Madrama ang politika. Mula kay Napoles, bangayan ni Enrile at Santiago, iyakan ni Mayor Romualdez at ang pagsabi ni Mar na bahala na tayo sa buhay natin.

Magulo ang Pilipinas in general. Pero OK lang yun, magulo rin naman sa ibang bansa. Boston Marathon, Government Shutdown, Pangii-spy ng US sa kanilang mga allies at pagbagsak ng Obamacare.

Namatay si Nelson Mandela at Paul Walker. Wala talaga sa bait, edad at yaman ang buhay. Una-una lang talaga yan. Minsan kung sino pa ang masamang damo, yun pa ang tumatagal.

Nagresign si Pope Benedict. Astig. Pero mas astig ang missile threat ng North Korea dahil nakilala ang leader nila sa buong mundo dahil sa threat na yun. Lumanding ang pinalipad ng China sa Moon. Medyo ilang dekada na rin ng huling nagpadala ang mga bansa doon. Nag-iimprove na sila. At bukod sa buwan ay mukhang balak rin nilang sakupin ang buong mundo.

120,000 katao ang namatay sa Civil War sa Syria at may 2 million na refugee. Dulot ng bomba, pulbura, patalim at chemical weapon. Ang population sa San Juan, Metro Manila ay 121,430 noong 2010. Isipin niyo na lahat ng taga-Juan ay namatay. Ang population sa Manila, Metro Manila ay halos nasa 2 million. Isipin niyong lahat ng mga nasa Manila ay naging Refugee.

Wala sigurong sasarap pa sa horse-meat scandal – Mala Wrecking Ball ni Miley Cyrus.

Sayang at hindi nakasurvive si Comet Ison sa pagdaan niya sa araw. Dramatic death. Sayang. Parang panghihinayang at pag-aalala sa kinabukasan ng Pilipinas sa kamay ng ilang iskolar ng bayan tulad ni Mark Joseph Solis na tinaguriang ‘Photo Thief’. Nakakatakot. Nakakadismaya. Pasalamat na lang kayo at may Chino Roque na isa sa kauna-unahang Filipino Astranaut na medyo naghabol sa karangalan ng mga kabataan. Magpasalamat na rin ulit kay Pacquiao at sa kanyang buwis, kay Donaire, at sa lahat ng bumubuo ng Gilas Pilipinas sa pagpapasaya sa mga Pilipino.

Salubungin ang 2014 na masaya. Mahalin ang pamilya. Maging tapat sa minamahal. Maging masunuring anak.

Hindi niyo hawak ang inyong kapalaran.

Patuloy kayong makakarinig ng mas maraming masamang balita. Sanayin niyo na ang sarili niyo. Maging matatag lang lagi.

Happy New Year.

-Metaporista

 

Leave a Reply