Ang Natutunan ng Rich Kid (Moral Story)

http://www.flickr.com/photos/ericoebanda/7805640956/sizes/l/
Photo by Eric Oebanda
Ang Natutunan ng Rich Kid

Isang araw may isang mayamang bata na sobrang tamad mag-aral. At dahil gusto ipakita ng tatay ang kahalagahan ng pag-aaral ay pinasyal niya ang kanyang anak ng ilang araw sa mga sikat na tourist destination, kumain sila sa class na restaurant at uminom ng pinakamasarap na inumin, namili ng mamahaling mga gadgets at laruan at nakilala ng personal ang mga sikat na artista.

At para makumpara niya ang pamumuhay, dinala niya ang kanyang anak sa squatter area at nanirahan sila doon ng mga ilang araw.

Pagkauwi nila sa kanilang bahay ay kinausap ng tatay ang kanyang anak.

“Nag-enjoy ka ba sa biyahe natin?”

“Opo” sabi ng anak.

“Ano ang natutunan mo?” Tanong ng tatay.

Sumagot ang anak –

“Tay,

Masaya tayo nung naakyat natin ang Eiffel Tower at masaya na sila sa pag-akyat sa tuktok ng puno ng niyog

Masaya tayo nung sumakay ng limousine at masaya na  sila sa pagsakay sa kariton habang tinutulak ng kanilang kaibigan

Masaya tayo nung makakain ng Italian White Alba Truffle at masaya na sila sa Pandesal na may Dairy Creme

Sumaya ako nung binilhan mo ako ng latest na gadget at masaya na sila sa paglalaro ng tansan, gulong at goma

Malaki ang bakuran natin sa ating mansiyon pero  mas malaki ang kanilang teritoryo at nagagalawan kahit wala silang bakuran

Malaki ang swimming pool natin pero mas malaki ang ilog nila at mas maraming lumalangoy

Meron tayong 5 katulong para gumawa ng lahat ng gawaing bahay.. Pero sila, lahat ng anak nila ay marunong sa gawaing bahay

Meron tayong isang dosenang  body guard na magtatanggol sa atin.. Pero sila, merong kaibigan, tropa at barkada na handa silang tulungan sa isang sigaw lang

Meron kang kakayahan na pag-aralin ako.. Pero sila, kailangan pang manilbihan, mangisda, magtanim at kung minsan ay kumapit sa patalim para lang mapag-tapos ang isa man lang sa walo nilang anak..

Tay, ganito pala tayo kahirap”

– ni Metaporista

0 thoughts on “Ang Natutunan ng Rich Kid (Moral Story)

Leave a Reply