Ang Patatas, Itlog at Kape (Moral Story)

Itlog
Itlog

Ang Patatas, Itlog at Kape

Isang araw merong batang nagsumbong sa kanyang tatay. Kesyo bakit daw ganun ang buhay ng tao: Problema, Solve, Problema, Solve — at parang wala na talagang katapusan ang nararanasan nating problema.

Sinama ng tatay ang kanyang anak sa kusina at nagpakulo ng tubig sa 3 magkakahiwalay na kaldero. Pagkakulo ay nilagay niya ang patatas sa unang kaldero, itlog sa pangalawa at coffee beans naman sa panghuli.

Tahimik ang bata’t nakatitig  lang sa ginagawa ng kanyang tatay.

Pagkalipas ng 20 minuto ay pinatay na ng tatay ang apoy at nilipat ang patatas at itlog sa mangkok at sinalin naman ng tatay ang kape sa tasa.

Hinilera ito ng tatay sa harap ng kanyang anak at nagtanong ng “Ano ang nakikita mo?”

Sumagot ng may pagmamarunong ang bata “Patatas, itlog at kape po!”

“Tama ka.. Subukan mong hawakan ang patatas, basagin ang itlog at tikman ang kape..

Anak, ang pagsubok sa buhay natin ay ang apoy at tayo naman ang 3 sangkap.



Ang patatas pag hilaw ay matigas at tila hindi basta-basta nasisira pero noong dumaan ang pagsubok ay nanglambot ito at nawalan na ng ganang lumaban..

Ang itlog naman pag hindi luto ay babasagin, sensitive at mahinang-mahina pero pagkadaan sa apoy ay tumigas, nanindigan at taas-noong hinarap ang problema..

At iba naman ang kape dahil noong nasalang siya sa pagsubok ay nag-iba ang kanyang anyo.. Pagkatapos siyang subukin ay naging masarap, mabango at nakakamangha siya..

Pag dumating ang pagsubok sa buhay mo, pipili ka lang kung sino mo gusto maging: Si Patatas ba? Si Itlog ba? o si Kape?”

Paliwanag:

Wag mong iwasan ang pagsubok sa buhay dahil hindi ka talaga makakaiwas. Nasa sayo na yun kung paano mo ito haharapin. Pero ang maganda, harapin mo ito ng buong kababaang loob at pagsisikap. Kung baon ka sa utang, magbayad ka pakonti-konti imbis na magtago ka ng magtago. Kung may problema sa pagsasama ninyo maging matatag ka.

– Metaporista

0 thoughts on “Ang Patatas, Itlog at Kape (Moral Story)

  1. Una kong nabasa ‘tong kwentong ‘to sa libro ni Bo Sanchez na How To Be A Blessing Magnet. Anyway, maraming salamat sa pagkaka-translate sa magandang kwento. Sana’y mas marami pa’ng makabasa. Lagi kong sinusundan ang mga posts niyo. 🙂

  2. Nais ko maging kape..nag-iiba ng anyo kapag sinubok pero kapag nalampasan na ito bumabango at sumasarap..maraming salamat metaporista 🙂 may bago na naman ako natutunan..

Leave a Reply