Ang Rosas Para Kay Nanay (Moral Story)

Rosas
Rosas

 

Ang Rosas Para Kay Nanay (Moral Story)

 

Isang malamig na umaga sa bilihan ng bulaklak, may lalaking bumaba mula sa kanyang magarang sasakyan upang magpa-order at magpa-deliver ng bulaklak para sa kanyang nanay na matagal na niyang hindi nadadalaw na nakatira sa malayong lugar na halos may 200 milya ang layo. Ngunit bago siya pumasok sa bilihan ay may nakita siyang babaeng umiiyak sa harapan. Tinanong niya’t kinausap ang babae.

“Anong problema miss?”



Sumagot ang babae habang pinipigilan ang hikbi para makapagsalita ng maayos —

“Kulang kasi ng bente ang pera ko pambili ng Rosas para kay Nanay. Hindi ko na siya maibibili.”

At walang pag-dadalawang isip na isinabay sa pagbayad ang rosas na hindi mabili ng dalaga. Tinanong niya ang dalaga kung gusto ba niya magpahatid at pumayag naman ang babae.

Habang bumibiyahe sila ay naging pamilyar ang ruta na itinuturo ng babae — Papunta sila ng sementeryo.

Pagpasok nila ay inilatag ng babae ang dalang rosas sa bagong hukay na puntod ng kanyang Nanay.

Bumalik ang lalaki sa bilihan ng bulaklak at ipina-cancel ang kanyang pinadeliver.

Binili niya ang pinaka-sariwa at pinaka-magandang bulaklak at biniyahe ang 200 milya upang makita at makasama ang kanyang Ina. Napag-isip niyang maiksi ang buhay ng tao para mapakita ang kanyang pagmamahal.

Metaporista

0 thoughts on “Ang Rosas Para Kay Nanay (Moral Story)

Leave a Reply