Ang Palaka sa Tuyong Balon (Moral Story)

fall-at-the-wishing-well-231790

Ang Palaka sa Tuyong Balon

Isang araw, may grupo ng mga palaka ang nagsisilundag papunta sa kabilang bayan. At dahil sa dilim ay may dalawang palaka ang nalaglag sa malalim na balon. Nalungkot ang kanilang mga kasama at sinabihan na doon na sila mamatay. Ang dalawang palaka ay nagpupumilit na tumalon ng buong kaya nila. Ngunit sa kabila ng pagtalon at pagpupumilit ay sinigawan sila ng kanilang mga kasama na nasa itaas na “Wag na kayo magpagod! Antayin niyo na lang ang inyong kamatayan!”. Napagod ang isang palaka at nagpatihulog sa sahig at agad na namatay. Ngunit ang isang palaka ay patuloy pa rin sa pagtalon. Tumalon ito ng ubod ng lakas at sa huling pagkakataon ay binuhos niya na ang lahat ng kanyang lakas at nakaahon ito mula sa balon. Nagsilapitan sa kanya ang mga palaka at nagtanong sila “Hindi mo ba kami naririnig kanina?! Sabi namin ay doon ka na mamamatay! Pero hindi ka sumuko?”. Tahimik ang palaka at hindi sumagot. Naalala nila na siya nga pala ang nag-iisang binging palaka sa kanilang lugar at inakala niya na sinasabihan siyang huwag sumuko sa pagtalon kaya hindi siya sumuko at hindi napanawan ng pag-asa.




Aral:

Darating sa buhay mo na pakiramdam mo ay galit sayo ang lahat ng taong nakapaligid dahil sa isang nagawang pagkakamali. Pag dumating yun, tawanan mo lang sila at pasalamatan. Gantihan ng mabuti pag ginawan ka ng masama. Huwag mo silang pakinggan dahil manghihina ka. Tandaan mo na baka may personal agenda sila kaya gusto ka nila ibagsak. Makinig ka sa mga kakampi mo na makakapagpalakas ng loob mo.

Metaporista

Leave a Reply