Internet and Computer Addicts Rehabilitation (ICAR) Proposal – Pinoy Style



Image

“Technology is a queer thing. It brings you gifts with one hand, and stabs you in the back with the other.” 
― C.P. SnowThe Two Cultures: and a Second Look. an Expanded Version of the Two Cultures and the Scientific Revolution

Para sa mga Magulang, Estudyante, Teachers at Computer Shops Owners,

May 7, 2014 –

Malapit nanaman ang pasukan! May baon nanaman ang mga estudyante at may dahilan nanaman para umuwi ng gabi. Napatunayan na sa pag-aaral ang epekto ng Computer games at Internet sa grades ng mga estudyante. Gusto mo bang malaman ang mga dahilan at paano makokontrol ang inyong anak? Basahin ang pag-aaral sa ibaba at ang rekomendasyon.

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya sa buong daigdig, kapansin-pansin rin ang paglago ng mga taong nahuhumaling sa paggamit ng kanilang Computer at Smartphones. Hindi maipagkakaila ang tulong na nagagawa ng mga makabagong teknolohiya sa pag-aaral, pagkuha ng mahalaga at libreng impormasyon, komunikasyon, pakikipagkapwa, pagkukwenta at paglilibang. Ngunit ano na nga ba ang negatibong epekto sa labis na paggamit ng Internet at Computer?

Alamin muna natin ang sinasabi ng mga numero. Ayon sa Internet World Stat, noong 2012 ay umabot na sa  33,600,000 ang Internet users  mula sa Pilipinas at 29,890,900 sa mga ito ay mayroong Facebook account. Halos 33% ng populasyon sa Pilipinas ang nakikinabang sa mga sari-saring impormasyon mula sa Net. Sa taong ito 2012, ang 100% ng populasyon ng Monaco ay gumagamit ng Internet. Ang bansang Iceland, Norway, Netherlands, Sweden at Denmark naman ay umabot ng 90% ng kanilang population ang nag-oonline. Sa China naman nagmula ang pinaka maraming user na umabot ng 568,192,066 na halos 42.3% ng kanilang populasyon.

Alam mo ba na sa Pilipinas lang talamak ang Computer Shops na may maraming games? Sa ibang bansa ay Internet Cafe lang talaga at browse lang at paggawa ng documents ang pwede mong gawin.

Noong 2005, 16% lang ng tao sa buong mundo ang kumokonekta sa internet at noong 2013 ay umabot na sa 39% ng kabuuang populasyon. Mapapansin din na mas marami ang gumagamit ng Internet sa mas mauunlad na bansa. Masasabi ba na ang pagdami ng Internet users sa Pilipinas ay indikasyon ng pagunlad ng ating bansa? O sadyang madali lang talagang umagos sa uso ang mga Pinoy?

Ayon sa Gethooked360.com, 40% ng Facebook users sa Pinas ay mula sa 18-24 years old, 26% mula sa 25 to 34 years old at 15% mula sa 13 to 17 years old noong taong 2013. Sinasabi rin sa kanilang datos na 46% sa mga user ay babae at 43% naman ang mga lalake. Ayon sa Quintly.com, pangalawa ang Pilipinas sa lahat ng bansa sa pinakamaraming nadagdag sa Facebook kasunod lamang sa Brazil noong 2013.

Ayon naman sa Wearesocial.net, ang average hours per day ng mga Internet users sa Pilipinas na gumagamit ng laptop at desktop ay 6.2 hours at ang nag-oonline naman sa net ay 2.8 hours. 4 hours naman ang average na ginugugol ng Pinoy sa Social Networking sites kada araw.

Ayon ulit sa Internet World Stat, umabot na sa 6.3 million ang online gamers sa Pinas.

Sa research paper nina Maria Daisy S. Cortes, Jhoana V. Alcalde, at Jose V. Camacho Jr. tungkol sa epekto ng Computer Gaming sa mga High School Student sa Los Banos, Laguna makikita ang mga sumusunod na kagulat-gulat na resulta:

* 39% ang posibilidad bumagsak ng isang Gamer na dating may 84 na grade. Na nakadepende sa bilang ng nabawas sa pag-aaral sa bahay, lapit ng bahay sa Computer shop, at sa haba ng kanilang ginugugol sa paglalaro.

*80% ng kumukunsumo ng Internet sa Pilipinas ay mula sa Online gaming

*Mas madalas sa Computer shop ang mga nakatirang malapit sa Computer shop

*23% ng magulang ng mga Gamer ay may magulang na parehong hindi nakatuntong ng kolehiyo

*Mas madalas din sa Computer shop ang mga estudyanteng kabilang sa maliit na pamilya lalo na kung kabaliktaran niya ng kasarian ang kanyang kapatid – 61% sa mga Gamer ang may kapatid na di lalagpas sa tatlo

*75% ng mga Gamer ay kabilang sa tropa na mga Gamer

*Ang average na nagagastos ng gamer sa paglalaro ay 60% ng kanilang baon – Ang Average na baon ng mga Computer Gamer ay 70.69 Pesos kada araw at ang mga Non-gamer naman ay may baon na 58.28 Pesos

*66% ng mga Gamers ay may monthly income mula 0 hanggang 30,000 Pesos samantala 84% naman sa mga Non-gamer ang kabilang dito – Lumalabas na ang mga Gamer ay kadalasang mas angat sa pamumuhay kesa sa mga Non-gamer – 52% ng Gamer ay mula sa Private Schools

*31% ng Gamers ang nagsabi na minsan ay sinasakripisyo nila ang kanilang pagtulog at ibang libangan para makapaglaro

*Mas maraming lalake ang naglalaro ng MMORPG at Versus game pero mas maraming babae ang naglalaro ng RPG at Puzzle games

—–MMORPG (DOTA, Ragnarok, Cabal, Counter-Strike) Massively Multiplayer Online Role Playing Games -mga larong walang katapusan-

—–Versus games (Marvels vs. Capcom, Tekken)

—–Role-playing Games (Diner Dash, Burger Restaurant) larong may katapusan

—–Puzzle Games (Solitaire, Textwist)

*Mas marami ang gamer na nasa 1st year at 2nd year highschool dahil mas busy ang nasa 3rd year at 4th year highschool

*Karamihan ng Computer Gamers ay may computer sa bahay pero pinipili pa ring maglaro sa labas kasama ang kaibigan nila

REKOMENDASYON

Meron akong proposal para makontrol ang inyong anak at ito ay dalhin sila sa probinsiya niyo na walang Computer Shop, Computer, Smart phone at iba pang gadgets tuwing bakasyon para mabalikan nila ang ibang hilig bago nila kinaadikan ang Computer at Internet. Tulungan at kausapin din ang inyong anak ng masinsinan. Pwedeng iexplain sa kanila na medyo mahigpit ang sinturon natin ngayon dahil sa gastusin. Pwede rin namang pagkasunduan na tuwing weekends lang pwede pagkatapos ng mga homework at projects. Malaki ang role ng magulang sa kanilang kinaaadikan. Hindi nga sila nagdrodroga, yosi at inom pero tulad ng mga ito, makaka-epekto din ang Computer at Internet sa kanilang pag-aaral kung hindi makokontrol. Paglaruin sila ng sports bago sila payagan maglaro para hindi maging sakitin, lampa at malabo ang mata. Kausapin din ang mga tropa niya at yayain maghapunan sa bahay ninyo at sabihan sa maayos na paraan na may pagmamalasakit sa kanilang kinabukasan na wag masyado mag computer. Kung may problema ang anak, alamin kung ano bang maitutulong para mawala ang depresyon at stress na nararanasan. Wag rin masyadong bigyan ng sobrang baon para di makapaglaro ng mahabang oras. Pwede ring reward system na papayagan silang maglaro pag mataas ang nakuhang grade. Hindi rin masamang mamalo dahil tanda ito ng pagmamahal basta wag lang sa ulo at mukha. Hangga`t pinapakain at nasa bahay ninyo ang anak niyo ay may karapatan kayong ituwid sila at gabayan sa matuwid na daan.

MGA BAGONG BATAS SA COMPUTER SHOP SA BUONG PILIPINAS

Kayo na mismo ang tumulong sa mga anak ninyo. Ang computer shops, walang pakialam yang mga yan hangga`t kumikita sila hindi nila iintindihin ang anak niyo. May mga computer shops na walang mga games at pang-gawa lang ng homework. Dun niyo sila papuntahin at para sigurado ay samahan sila doon.

Karaniwan daw sa mga masyadong nalululong sa Computer at Internet ay yung mga batang:

–Broken family, Stress sa trabaho, Stress sa school, Stress sa kasintahan

–Depress kaya gustong tumakas sa realidad ng buhay

–Walang hilig na sports at ibang outdoor activity

–May mabigat na karamdaman at mahina ang katawan

–Nababagot at nabuburiyong sa bahay dahil walang ibang mapaglibangan

Ito ang mga karaniwang klase ng Computer Addictions

  • General Computer Addictions – Adik sa paglalaro ng mga games
  • Internet Addiction

>Internet Compulsions – Online shopping, gaming at sugal

>Cybersex – Internet Sex, Adult Chatroom at Maria Ozawa and Rosanna Roces Pornography

>Social Networking – Mas madalas mag Facebook, Instagram at Twitter kesa makihalubilo sa tao

Wag masyadong maging mahigpit at wag din masyadong maluwag. Biniyayaan tayo ng kalayaan na gamitin ang teknolohiya pero dapat gamitin ito sa tamang paraan at pagkakataon. Hindi masamang maglibang pero lahat ng sobra, nakakasama. Enjoyin natin ang pagbabago pero wag kalimutan ang nakaraan at ang ating mga obligasyon.

-Metaporista

0 thoughts on “Internet and Computer Addicts Rehabilitation (ICAR) Proposal – Pinoy Style

  1. salamat sa oras at sa magaling na research. nakakalungkot lang pero nagiging realidad na ito sa buhay natin. guilty din ako sa pagiging ‘hooked’. ang hirap lalo na at ang trabaho ko’y laging nakaharap sa computer (Programmer).

Leave a Reply