Ang Mirror World Theory

274_custom-efa872e7a347073668fff56c4d203299f9417425-s6-c30

 

Gumising ka ng umaga. Pumunta ng banyo. Tumingin sa salamin at napatitig sabay sabi ng “Ang gulo ng buhok ko”.

Ano nga ba ang Mirror World Theory?

Paano kung ang nakita mo sa salamin ay hindi mo buhok kundi buhok niya. Ikaw ay ilusyon lang at yung taong nasa loob ng salamin ang totoong tao. Nakakulong ka sa mundo kung saan ang main obligation mo ay humarap sa salamin tuwing magsasalamin ang iyong client, ang iyong perpektong kamukha. Naka-autoprogram ang iyong katawan na sa tuwing magsasalamin siya ay mapapaharap ka rin at kung ano ang pag-aari niya ay automatic ka ring magkakaroon. Mapipilitan kang magpaganda, magpapayat at ngumiti kahit malungkot para sa iyong client. Kahit madaling araw o kalaliman ng gabi ay kailangan mong humarap sa salamin sa sandaling magising siya. 24 hours ang duty mo pero ang break time mo naman ay nakadepende sa hindi pagtingin ng iyong client at iba pang client sa salamin.

Gusto mo ba na ma-promote at laging mag mukhang maganda sa harap ng iyong kliyente? Alagaan mo ang sarili mo. Malas ka kapag ang kliyente mo ay may madilaw na ngipin at buhok sa kili-kili kahit babae dahil mapipilitan ka ring pabayaan ang sarili mo. Kung Engineer ang kliyente mo, magiging engineer ka din. Kung teacher ang kliyente mo ay magiging teacher ka din. Bagaman hindi alam ng kliyente mo na may sarili kang buhay sa likod ng salamin, malamang ay nagpapasalamat pa rin siya sa iyo. Dahil kung wala ka, hindi niya makikita ang pagbabago sa kanyang pagdadiet at pag-eexercise. Hindi niya rin makikita ang unti-unting guhit na lumalabas sa mukha upang maisip na malapit ng lumubog ang kanyang mga araw at kailangan na niya itong paghandaan.

-Metaporista

0 thoughts on “Ang Mirror World Theory

Leave a Reply