Ang Ghost World Theory

4651-ghost-hand-800x600

 

Ano nga ba ang Ghost World Theory?

 

Meron daw tayong kahati sa mundong ito at sila ay walang iba kundi ang mga kaluluwa. Iisa ang mundo na ating ginagalawan. Medyo madilim nga lang ang realm nila at tahimik. Suppressed ang galaw ng tunog sa kanila kaya kahit sumigaw ka doon ay wala masyadong makakarinig. Wala naman pakialamanan ng mundo. Ayaw din nila na pumunta sa mundo natin lalo na sa busy at maiingay na lugar. Ayaw din nila sa mga tao dahil medyo naiinsecure sila dahil karamihan sa mga tahanan ay masasaya at maganda ang ambience. Sanay kasi sila sa dilim at medyo malungkot at puro away na bahay. Minsan lang ay di naiiwasan at nagkakaroon ng glitch sa barrier ng mundo natin at mundo nila. Karaniwan daw lugar kung saan nagkakaglitch ay sa mga bahay na may sigawan, iyakan, awayan, depress at may tinatagong madilim na sikreto. Naaakit kasi sila sa madilim na aura ng taong napopoot kaya pinipilit nilang butasin ang barrier sa pamamagitan ng paglubog ng kanilang mukha at kamay. Makakalusot sila pero agad din namang magsasara kaya ilan lang ang makakapasok. Pag naging successful ang kanilang pagpasok susundan na nila ang kanilang kinaaakitan. Hanggang sa Elevator, madilim na parking lot, madilim na bodega, sa ilalim ng iyong kama at higit sa lahat pag opposite sex ang naakit sayo ay susundan ka nila sa iyong pagligo at pakikipagtalik. Hanggang may poot sa puso at maduming konsensiya, di ka nila lulubayan. Babalik lang sila sa kanilang mundo pag wala na silang interes sa iyo. Pero sa pagbalik nila, lagi lang silang nakaabang at nakatingin. Naghihintay at nagbabakasakaling dumilim uli ang iyong puso. Pero di mo sila mararamdaman dahil sa barrier na namamagitan sa ating mga sari-sariling mundo. Una sa menu nila ang makasalanang hindi marunong humingi ng tawad at hindi marunong magpatawad.

Metaporista

Leave a Reply