Ang Matrix World Theory

matrix_world_map-t2

 

Ano nga ba ang Matrix World Theory?

Ayon sa teorya. Masyado na raw nadevelop ang teknolohiya at ang ating consciousness ay nakokontrol na ng computer. Lahat ay nakaprogram at hindi na natin matatakasan ang mundong ating ginagalawan dahil walang makakapag-isip na tayo ay nasa isang computer program lang dahil sa pagiging accurate at precise ang pagkakadetalye ng ating daigdig. Prinogram tayo na magkaroon ng free will at maidevelop ang ating sarili pero kahit kailan ay hindi na natin mababago pa ang program.

Naka-set na nga ba ang kapalaran mo? Paano malalaman na siya na ang kapalaran mo? Gusto mo bang malaman kung sino ang programmer at kausapin siya na ipartner ka sa pinaka-gusto mong babae? Nakaprogram na ang ating nararamdaman. Limitado ang ating kaisipan. Alila na tayo ng dating makina at computer na ginawa natin. Naungusan nila tayo sa pag-unlad simula nang gumawa tayo ng computer na marunong mag-isip. Binaliktad na ang sitwasyon. Tayo na ang pinaglalaruan nila. Isa-isa tayong magagame-over hanggang sa matutunan na rin nilang magsawa.

Metaporista

Leave a Reply