Pacquiao`s Bucket List

Manny Pacquiao

PACQUIAO`S BUCKET LIST

 

Malinaw na si Manny Pacquiao na ang simbolo ng boksing sa Pilipinas. Nagsimula siya sa kahirapan at pinilit niyang takasan ito sa pamamagitan ng kanyang kamao. Siya ang kauna-unahan at nag-iisang world champion sa walong division. Tinagurian din siyang “Fighter of the Decade ” noong year 2000.

 

Narito ang sumusunod na imbentong transcript sa interview kay Manny Pacquiao noong nagsisimula pa lang siya sa boksing.

Interviewer (Int) : Magandang araw Manny! Meron lang kaming konting katanungan para sayo at sana`y mapaunlakan mo ito.

Manny (MP) : Walang problema okey lang. Marami pa namang bakanteng time.

Int : Maraming salamat! Para sa unang tanong, ano ang pangarap mong marating sa boksing?

MP : Ah e gusto ko lang sanang makilala sa buong mundo bilang pinakamagaling na boksingero. Gusto kong tumatak ako sa bawat boxing fan at gagawin ko iyon sa pamamagitan ng pagkuha ng belt sa iba`t ibang division. Ok na siguro sa akin ang mga walo.

Int : Mga walong division na belt ba ang ibig mong sabihin? Nakadalawang belt ka na sa ngayon kaya may anim ka pang belt na kukunin.

MP : Oo tama kasi 8 minus 2 ay 6.

Int : *Laughs* Oo nga naman. *Laughs* Ano naman ang plano mo para sa pamilya mo sa future?

MP : Gusto ko lang sana magkaanak ng tatlong lalaki. Hindi kami titigil bumuo ng baby hanggang hindi tatlo ang anak kong lalaki.

Int : Balita ko gusto mo maging artista at singer?

MP : Ah oo, gusto ko magkaroon ng pelikula. Pero dapat tagalog lang lahat ng dialogue. Gusto ko ring magkaroon ng sariling album para maalala ako ng mga tao. Pero dapat makabayan ang tema para tagalog din.

Int : Maliban sa boxing may gusto ka pa bang ibang libangan?

MP : Pangalawa sa boxing ay gusto kong maglingkod sa taumbayan na sumuporta sa akin.

Int : Papasok ka sa politika? Ganun ba?



MP : Well, oo ganun na nga. Magpapasikat muna ako para di na ako mahirapang mangampanya. Siguro hindi agad ako mananalo dahil mamaliitin ako ng tao. Pero pag narealize nila na mas mayaman pa ako sa pinagsamang pera ng lalawigan ay iboboto rin nila ako.

Int : How about your faith? May time ka pa ba magdasal maliban sa actual na laban sa ring?

MP : Actually, lagi ako nagpipray na sana hindi ko masyado masaktan ang mga ka-sparring ko. Minsan pag natatamaan nila ako sa mukha at pinadugo ang ilong ko, hindi natutupad ang prayer ko para sa kanila. Balak ko rin sana maging preacher para makapagtayo ako ng sariling  Foundation para sa mahihirap at may kapansanan at doon ko itatago ang pera ko para hindi maging taxable. Joke. Gusto ko syempre ma-inspire ang mga kabataan at the same time ay makatulong din sa mahihirap. At gusto kong mas maraming magdasal na manalo ako sa laban. Hakot ba ng prayers.

Int : Maganda naman pala ang iyong intensiyon. Maliban sa Boxing may iba ka pa bang sports na alam?

MP : Marunong ako magbasketball at hilig ko rin iyon. Lahat nga bilib sa akin pag naglalaro ng basketball.

Int : Dahil nakaka shoot ka ng 3 out of 15 shots sa three points?

MP : Hindi. Dahil pagod na sila lahat at pinupulikat na sa fourth quarter, ako nagsisimula pa lang pawisan. Balak ko nga ring maglaro sa PBA balang araw kaya magpapasikat talaga ako para madali akong matanggap at sila mismo ang maghahabol at gagawa ng paraan para sa akin. Kasi ako ang hahakot ng crowd at magpapasikat sa team na sasalihan ko. Titiyakin kong mapupuno ang Araneta. Titiyakin ko rin na makasama ako sa FIBA.

Int : Paano ka makakapasok sa PBA? Tingin mo ba ay makakapasok ka at mapipili sa draft pick?

MP : Tingin ko naman oo. Pero kung hindi, magplaplaying coach ako para instant player agad ako. Makakapaglaro ako at makikipagsabayan sa mga magagaling na player.

Int : Kaya mo bang mag coach at makipagsabayan kanila Coach Tim Cone, Yeng Guiao at Franz Pumaren?

MP : Tingin ko naman oo din. Gagamitan ko ang mga player ko ng left hook play. Papipilahin ko sila pag natalo kami tapos makakatikim sila ng left hook para ayusin nila sa susunod. Secret lang natin. Kunwari ako ang head coach pero iba talaga ang maghahandle sa kanila. Gusto ko lang talagang maglaro sa PBA dahil pangarap ko iyon. Kasama sa Bucket list Ika nga. Pangarap kong masapawan sa court si James Yap, Caguioa, Abarrientos, Asaytono at Lord Jawo.

Int : Hindi kaya makukulong ka niyan?

MP : Tingin ko naman hindi. Mga master mind nga ng malalaking krimen napapawalang sala e. . That would be my strategy. It is up to them kung pakakawalan ba nila ako.

Int : Paano mo mapagkakasya ang oras mo sa mga plano mo sa buhay? Like yung Boxing, Pamilya, Artista, Singing, Politics, Preacher at Basketball Coach at Player?

MP : Let`s just cross the bridge when we get there. Galing ko mag-english ano? Gets mo ba yung sinabi ko?

Int : Ah oo. Ang galing mo nga mag-english. Pero teka, paano na ang taumbayan na maghahalal sayo? Yung pamilya understandable naman kung pababayaan mo sila dahil marami namang atleta at artistang ganyan. Pero paano yung mga aasa na ikaw ang susi para makaahon ang lalawigan nila pero wala kang oras para mapagsilbihan sila?

MP : Parang pagiging head coach din yan. Kunyari ako ang Congressman pero may vice Congressman (kahit wala nun) ako. At pag sa senado naman ay kukuha ako ng Vice Senator (kahit wala nun). Pero ako pa rin ang naka-upo doon. Pag mainit ang usapin at may crucial na botohan, dun lang ako magpapakita. Wag sila dapat mag-alala dahil pag nag retiro ako sa boxing ay mapagtutuunan ko na ng pansin. Sisimulan ko lang ng maaga ang pagtakbo para madali akong maging Presidente ng Pilipinas.

Int : Ha?!! Nasa Bucket List mo rin ang maging Presidente ng Pilipinas? Sa tingin mo ba, kung wala kang maitutulong at maiaambag sa bayan na kapaki-pakinabang ay iboboto ka nila?

MP : Actually, Yes. Itatiming ko lang na ang Eleksyon ay week after ng laban namin ni Mayweather. Patutumbahin ko si Mayweather para siguradong masaya ang mga Pilipino at lalo na ang mga magbibilang ng boto.

Int : May iba ka pang plano?

MP : Marami pa. Magiging Billiards Champion naman ako para masapawan si Efren. Magbobowling din ako para makalimutan nila si Nepomuceno. Sayang nga at naging babae si Lydia De Vega. Pero kung kinakailangan ay magpapa-sex change ako.

Int : Hindi kaya mabansagan kang “Lalaking walang kakuntentuhan”? Okey lang ba sayo iyon?

MP : Wala namang mambabansag sa akin ng ganun sa media at sino mang tao dahil babayaran ko sila. Yung mga hindi tatanggap ng bayad, si Lord na bahala sa kanila.. At ang sarili kong Mafia na ang sasagot ng dasal ko sa kanya. Ikaw ba, tatanggapin mo ba ang bayad ko pagkatapos nito para magagandang bagay lang ang sasabihin mo at di mo masita ang oras na ilalaan ko para sa taong bayan?

Int : Hindi.

*Bang. Bang. Bang*

 

-Metaporista

 

 

Leave a Reply