Manila Port Decongestion Solution

Nagkapatong-patong na ang naging dahilan ng Congestion sa Manila Port. Isa sa dahilan ay di agad naproject na magboboom ang ekonomiya ng Pinas at kukulangin ang espasyo ng port. Pangalawa ay ang libo-libong kolorum na truck na naglilipana sa Manila na nagpapasikip sa daan. Pangatlo, ang truck ban na pinatupad noong February 2014 ni Erap sa Manila. Pang-apat ay ang kulang na sistematikong proseso sa Pier. At ang panghuli ay ang pangongotong.

Bakit may baha?

Yan ang lagi nating tanong kapag may konting ulan na bumubuhos pero abot kaagad sa tuhod ang baha. Simple lang ang sagot sa tanong na yan. Ang sagot ay dahil mas madami ang INPUT kesa sa OUTPUT. Kapag may mga congestion problem sa kahit anong sistema, mapa lababo sa kusina, pila sa MRT at maging sa pagdagdag ng bilbil sa tiyan, itong prinsipyo lang ng kalikasan na ito ang dapat nating tandaan.

Solution sa Manila Congestion Port

Oo, Madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero kung gustong mabago at maiayos, ito ang ilan sa mga dapat gawin.

Step 1: Pili tayo kung ano ang dapat gawin. Paliitin ang Input o palakihin ang Output?

Obvious ang sagot. Output ang dapat palakihin dahil hindi naman makokontrol ang Input talaga dahil hindi mo makokontrol ang pagdating ng bagahe at hunghang lang ang magpapadala ng Cargo nila sa Subic at Batangas para ideliver sa Intramuros o Tondo ang kanilang bagahe. Magastos. Consumer din ang sasalo ng gastos sa dagdag na layo ng pagdedeliver.

Step 2: Paano mapapalaki ang volume ng Output sa Pier?

Balik tayo sa limang dahilan ng congestion.

1st – Kung hindi man naproject noon ay habulin at gumawa na ng plano para sa 2024, 2034 and so on. Umuusad ang oras at dapat may long term goal and improvement ngayon pa lang.

2nd – Bagaman masakit sa pandinig ang Kolorum, hindi maipagkakaila na pag wala sila ay kukulangin din ang paraan para mapadali ang pagdedeliver. PERO. PERO. PERO. Dapat talaga silang mabawasan at tapusin na ang kanilang pagiging kolorum at magparehistro na. Ang pagdagdag ng 10,000 sa bilang ng bagong rehistrong cargo truck ay mas OK Kesa sa 30,000 na truck na kolorum. Hindi naman kukulangin ng truck kung may maayos lang na scheduling at proseso. Atsaka hindi lang naman kolorum na truck ang naglipana sa daan kundi pati Jeep, FX at ilang Bus. Higpitan ang panghuhuli sa kolorum.

3rd – Kung desisyon ni Erap yan, mahirap yang gibain. At sigurado akong may sapat silang dahilan at dumaan iyon sa masusing pag-aaral. Pero pwede tayong magbigay ng exemption sa ilang Cargo Truck kung tutuusin. Hatiin sa 6 or 7 pito lahat ng registered Cargo truck na pumapasok sa Manila Port.




Group 1 Registered Cargo Truck –
Monday 8pm to 6am pwede ang truck instead of 9pm to 5am.

Group 2 Registered Cargo Truck –
Tuesday 8pm to 6am pwede ang truck instead of 9pm to 5am.

And so on. Hindi ramdam ang around 15% na dagdag na cargo truck sa daan ng ganung oras pero malaking dagdag yun para sa bilang ng cargo na mababawas sa pier.

Sa mga nagsasabi na tanggalin na lang kasi ang truck ban, malamang hindi ka taga-Manila o suki ka lang sa LRT.

4th – Sistematiko nga ba? First in, First out? Maiksi ba ang dispatching time? May schedule ba? Kumpleto ba sa crane at ibang machine? Maiksi ba ang proseso ng mga papeles? Dapat ay maglagay ng riles mula pier paikot sa ang buong Manila. At ang picking point ng cargo ay sa bawat station na ng riles at hindi na kumpulan sa pier ang truck. Pwede ring gamitin ng madalas ang ilog pasig at isakay sa ferry ang cargo. Mukhang magastos pero kung long term ang titingnan ay mas sulit. Yan ang ginagamit sa minahan sa ibang bansa sa pagdedeliver ng extracted coal at bitumen.

5th – kung may 100 driver ang aaregluhin kada araw at aabutin ng 3 minuto ay instant 5 man-hours agad ang nasayang.

Step 3: Lumaki na ang volume ng Output. Ano pa ang dapat gawin?

Maintenance at continuous improvement. Wag hayaang maging “Barado”. Kung magbara man ay tanggalin agad ang nagpapabara. Isa rin siguro na magandang solusyon ay ang maayos na mass transit sa Manila. Kung maayos ang system ng mass transit sa Manila at sakop lahat ang key points na lugar ay mababawasan ang tunay na nagpapasikip sa daan.. Ang Jeep. Konti na lang din ang magdadala ng sariling sasakyan kung komportable naman silang makakabiyahe papasok sa paaralan o trabaho.

Maniwala kayo, hindi lang oras ng truck ban ang solusyon dyan kundi dapat sabay-sabay na solution sa samu’t saring problema, short term at long term. I-utilize ang ibang port tulad ng Subic at Batangas Port. Kung gitna naman ng Subic at Manila ang destination ng cargo, sa subic na dalhin. Kung sa gitna naman ng Manila at Batangas ang destination ay sa Batangas na dalhin. Kung may maieexpand pa ang Manila Port ay dapat iexpand. At kung may ieexpand pa ang kalsada sa Manila ay dapat na ring simulan ngayon pa lang. Naimagine niyo na ba ang Manila 50 years from now kung hindi totally babaguhin ang sistema? Yun na siguro ang tinatawag na impyerno.

-Metaporista

IMG_2773.JPG

Leave a Reply