Kantang Dapat Iwasan sa Videoke

maxresdefault

Naging parte na ng buhay ng mga Pinoy ang pagvivideoke o pagkakaraoke. Sabi nga ng isang teorya, nagkalat ang Pinoy sa buong mundo na may magagandang boses at husay sa pagkanta dahil sa maagang exposure at pagkahilig sa pagvivideoke. At hindi lang ballad at kundiman kundi kahit ang mabibilis at matataas na nota na mga kanta ay naging ordinaryo na sa pandinig ng mga Pinoy mapa-english, tagalog, bisaya, espanol (Quando Quando Quando at Que sera sera) at maging ang mga kantang koreano (Haru-haru) at hapon (Voltes 5).

Sa halagang limang piso, huhusgahan ka ng scoring machine ayon sa pagkanta mo ng tugmang tono na kadalasan, ay kahit di ka kumanta ay 83 ang ibibigay sa iyong puntos. Naging automatic na itong libangan ng mga Pinoy pag mayroong mahahalagang okasyon, reunion at habang nakasalang ang labahan sa washing machine o habang inaantay maluto ang sinaing. Ang matindi sa ibang Pinoy, mangati lang ang lalamunan ay ihahanda na ang Magic Sing.

PERO mayroong mga kantang DAPAT iwasan. Depende sa kasama at okasyon. At ito ang ilan sa mga sumusunod.

Top 5 Songs na iwasan kapag kasama mo ang iyong Girlfriend o Asawa

5— Sana Dalawa Ang Puso Ko by Ariel Rivera  –  Pagdududahan ka niyan kahit malinis ang konsensiya mo

4— Bakit Ngayon Ka Lang by Ogie Alcasid  –  Kantahin mo lang ito pag kasama ang iyong kabit

3— Mahirap Magmahal ng Syota ng Iba by APO Hiking Society  –  Instant curfew ka kaaagad kay Misis mo

2— Be My Number Two by Joe Jackson – Siguraduhing di ka mageeye contact sa ibang babae

1— Saving All My Love For You by Whitney Houston – Siguraduhin mong hindi nakikinig si Mister pag kinanta mo ito





Top 5 Songs na iwasan kapag may mga Kagalang-galang na panauhin 

Mga Kantang Tagalog na may Double Meaning

5— Aray Naku by Mae Rivera – Wag kantahin kung ayaw mong pag-isipan ka ng kahalayan

4— Jumbo Hotdog by Masculados – Wag mong ulit-ulitin ang tanong kung kaya ba nila

3— Basketbol by Viva Hot Babes – Hindi niya kaya ang 4 Points

2— Haring Solomon by Boy Sullivan – Kuwento ng pagong na may biyak

1— Pagbigyan Mo Na Ako by Boy Sullivan – Ang kapal ng bul

Top 5 Songs na iwasan kapag mainipin, mainggitin at may baril ang mga kasama mo

5— Hotel California by Eagles – Siguraduhin mong walang hihikab sa 6 na minutong kantang ito

4— American Pie by Don Mclean – Maglabas ka na ng unan at kumot nila

3— Paradise by the Dashboard Light – Kahit medyo energetic ang tune ay 8 minuto mo parin silang pag-aantayin

2— Free Bird by Lynyrd Skynyrd – 10 minuto mong lawayan ang mikropono at magsisimba kang may bulak sa ilong

1— My Way by Frank Sinatra – Magbigay galang ka sa nakakatanda at wag na wag mong aagawin sa kanila ang spotlight

Top 5 Songs na iwasan sa madaling araw o kalaliman ng gabi para sa mga Kapit-bahay

5— To Love You More by Sarah Geronimo – Pambulahaw at mabisang pang-alis ng masamang espiritu

4— Let`s Get Loud by Jennifer Lopez – Mababarangay ka niyan tiyak

3— Satisfaction by the Rolling Stone – Siguraduhin mo ring masasatisfy mo ang tenga nila

2— I Will Survive by Gloria Gaynor – Mas ok ang Picha Pie

1— Laklak by the Teeth – Numero unong pang-irita sa mga natutulog na kapit-bahay

————————————

Walang masama sa pagkanta. Bigyan lang ng konsiderasyon ang iba. Dapat iangkop sa pagkakataon at oras.

-Metaporista

0 thoughts on “Kantang Dapat Iwasan sa Videoke

  1. “1— My Way by Frank Sinatra – Magbigay galang ka sa nakakatanda at wag na wag mong aagawin sa kanila ang spotlight”

    Buti na lang kapatid, tinanggal na sa KTV bar ang kantang iyan – hindi ko lang alam sa mga pa-rentahang karaoke machine.

Leave a Reply