“Rhapsody” – English Fiction Novel – by a 14-Year-Old Filipina Prodigy

Bago natapos ang 2014 ay na-publish na ang english fiction novel na libro ni Ms. Carmela Margarita C, Vizcarra na may pamagat na Rhapsody. Sinimulan niyang gawin ang kanyang unang novel, Rhapsody, sa edad na 14 (fourteen) at natapos niya ito sa edad na 15 (fifteen) at agad na na-publish sa edad na 17 (seventeen). Isang malaking accomplishment na totoong dapat maging inspirasyon ng mga batang manunulat.

Book Cover of Ms. Vizcarra`s first novel
Book Cover of Ms. Vizcarra`s first novel

About the Author:

A voracious reader and innate writer, she began writing her very first novel, Rhapsody, at the age of fourteen and finishing it at fifteen. An intense introvert, she loves all things morbid and macabre and lives in Muntinlupa City.

Maituturing na isa siya sa pinakabatang novelistang Filipina na tiyak na aabangan nang lahat. Sa murang edad ay lumutang at napansin ang kanyang husay sa pagsulat na patuloy na hinahangaan nang maraming mambabasa. Narito ang synopsis ng una niyang Nobela.

Synopsis:

When Ali, a strong, silent and socially-inept sixteen-year old teenage girl with big dreams to fly, is bombarded with the latest catastrophes of her life: Her insane mother dies a mysterious and tragic death in a private asylum in London where she is kept, unleashing a chain of unfortunate events which sends her spiraling into a world of mystery, music, arts and – the unexpected.

Picture of Book-writing Prodigy Ms. Carmela Margarita Vizcarra
Picture of Book-writing Prodigy Ms. Carmela Margarita Vizcarra

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang nang official release ng libro sa bookstores nationwide. Kung gusto mo mauna sa pagbasa at suportahan ang libro ng future Suzanne Collins at J.K Rowling ng Pilipinas, maaring bumili direkta sa Block 11 lot 39, V. Mapa St., Katarungan Village, Muntinlupa City. At kung gusto niyo naman ng free delivery ay magpadala lang ng Private Message sa kanyang Facebook Page Torchee Vizcarra o kaya ay bisitahin ang kanyang Twitter Account na Torchfyre at i-follow siya para sa mga update at inyong katanungan.

Sa murang edad ay marami pa siyang pwedeng magawa na mga kwento at mapaghusay pa lalo ang kanyang pagsulat. Malaki ang maiaambag nito sa industriya ng panitikan at higit sa lahat, sa karangalan ng bansa dahil sa pagpapatunay na hindi rin magpapahuli ang talento ng mga Pinoy sa paggawa ng Nobela.

Ito ang link sa kanyang interview sa Taumbahay.

Suportahan natin ang mga Filipino Writer!

-Metaporista

Leave a Reply