Mga Batang Lansangan Dinala sa Resort

Ayon sa balita ng ABS-CBN, dinala sa Chateau Royale Resort sa Nasugbu, Batangas ang mga batang lansangan pati ang kanilang pamilya noong January 14 hanggang January 19, 2015 (6 na araw). Kasama doon ay ang 100 DSWD workers na nag-asikaso sa 500 katao na naroroon. Nirentahan ang 70 kwarto na nakuha sa discounted rate na P4000 pesos per night. Maraming aktibidad ang ginawa at binigyan ang mga bata nang mga laruan at iba pang kagamitan na kakailanganin sa kanilang 6 na araw na “Family Camp”.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga tao sa balita na ito.

May mga nagsasabi na itinago ang mga bata sa panauhing pandangal para hindi makita ang tunay na kalagayan ng bansa. Pa-pogi points lang daw at mapagbalatkayo na katangian daw ang lumutang. May ilang nanghinayang sa mahigit na 1 Milyon na ginastos ng pamahalaan para sa iilang pamilya sa lansangan.

Samantala, may mga natuwa naman daw at nagsabi na good job ang ginawa ng gobyerno. Naiwasan daw ang posibleng panggugulo nila at pamamalimos sa daan at kahit papaano daw ay ipinamalas sa kanila ang buhay bakasyonista kahit ilang araw lang.

Kung titingnan, ang problema ay hindi pwedeng takpan habang-buhay ng kumot para magmukhang malinis. Pagkatapos silang paranasin nang ilang araw na saya ay ibabalik sila sa lansangan para muling mamalimos at mangamba sa kanilang buhay. Sana may long term na plano ang pamahalaan at pribadong organisasyon para sa kanila. Hindi maiaayos ang imahe ng Pilipinas kung laging pagtatakpan lang ang problema. Nakasalalay sa mga magulang ng batang lansangan ang kanilang buhay ngunit kung may maitutulong ang pamahalaan at pribadong organisasyon para mabigyan sila ng marangal na pagkakakitaan at mapaaral ang kanilang anak, mas mapapadali ang pagbabago.

Sang-ayon ka ba?

-Metaporista

0 thoughts on “Mga Batang Lansangan Dinala sa Resort

  1. Sana, maging annually ang bisita ng Santo Papa. Naniniwala ako na hindi rin masamang bigyan ng bakasyon ang mga batang lansangan at kanilang pamilya. Habang naroon sa seminar, singitan na rin ng responsible parenting at sex education yung bakasyon.

    Good job sa DSWD. After 20 years na ulit siguro magta trabaho ang mga ito. Tsk.

  2. Sana malinis na ang Pilipinas sa mga kurakot na pamahalaan ipagpatuloy na sana na hindi na sila mamalimos tulungan silang lahat na mahihaon sa kahirapan .

    Den Torsdag, 22. januar 2015 22.00 skrev Metaporista :

    #yiv4438728366 a:hover {color:red;}#yiv4438728366 a {text-decoration:none;color:#0088cc;}#yiv4438728366 a.yiv4438728366primaryactionlink:link, #yiv4438728366 a.yiv4438728366primaryactionlink:visited {background-color:#2585B2;color:#fff;}#yiv4438728366 a.yiv4438728366primaryactionlink:hover, #yiv4438728366 a.yiv4438728366primaryactionlink:active {background-color:#11729E;color:#fff;}#yiv4438728366 WordPress.com | metaporista posted: “Ayon sa balita ng ABS-CBN, dinala sa Chateau Royale Resort sa Nasugbu, Batangas ang mga batang lansangan pati ang kanilang pamilya noong January 14 hanggang January 19, 2015 (6 na araw). Kasama doon ay ang 100 DSWD workers na nag-asikaso sa 500 katao na ” | |

Leave a Reply