Mga Presidente ng Pilipinas

PhilippinePresidentialSeal

Hindi masamang balikan ang kasaysayan ng mga naging Pangulo ng Pilipinas. Gaano nga ba tumanim sa atin ang mga inaral natin noon patungkol sa kanila noong nasa elementary tayo? Kung hindi siguro sa assignment ng anak mo o nang kapatid mo ay makakalimutan mo na ang pangalan ng mga namuno sa atin.

Tandaan na ang Pamahalaan natin ay binubuo ng tatlong sangay: Executive, Legislative at Judiciary

Ang Pangulo ng Pilipinas ang Head of Government at pinapangunahan niya ang Executive Branch pati narin ang Armed Forces of the Philippines dahil automatic na Commander-in-Chief agad sila.

“Matimtim kong pinanunumpaan na tutuparin ko nang buong katapatan at sigasig ang aking mga tungkulin bilang Pangulo ng Pilipinas, pangangalagaan at ipagtatanggol ang kanyang Konstitusyon, ipatutupad ang mga batas nito, magiging makatarungan sa bawat tao, at itatalaga ang aking sarili sa paglilingkod sa Bansa. Kasihan nawa ako ng Diyos.”

-Panunumpa ng Pangulo

1st – Emilio Aguinaldo y Famy – 1899 to 1901, Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas

Emilio Aguinaldo

—-

2nd – Manuel Luis Quezon y Molina – 1935 to 1944, Unang Pangulo ng Komonwelt

Manuel Quezon

3rd – Jose Paciano Laurel y Garcia – 1943 to 1945, Unang Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas

Jose P. Laurel

4th – Sergio Osmena Sr. – 1944 to 1946, Ikalawang Pangulo ng Komonwelt

Sergio Osmena

5th – Manuel Acuña Roxas – 1946 to 1948, Unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas

manuel roxas

6th – Elpidio Rivera Quirino – 1948 to 1953, Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas

Elpidio Quirino

7th – Ramon del Fierro Magsaysay – 1953 to 1957, Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas

Ramon Magsaysay

8th – Carlos Polistico Garcia – 1957 to 1961, Ika-apat na Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas

Carlos P. Garcia




9th – Diosdado Pangan Macapagal – 1961 to 1965, Ika-limang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas

Diosdado Macapagal

10th – Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos – 1965 to 1986, Ika-anim na Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas at Unang Pangulo ng Ika-apat na Republika ng Pilipinas

Ferdinand Marcos

11th – María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino – 1986 to 1992, Unang Pangulo ng Ika-limang Republika ng Pilipinas

Cory Aquino

12th – Fidel Valdez Ramos – 1992 to 1998, Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas

Fidel Ramos

13th – Jose Marcelo Estrada – 1998 to 2001, Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas

Joseph Estrada




14th – Maria Gloria Macapagal-Arroyo – 2001 to 2010, Ika-apat na Pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas

Gloria Arroyo

15th – Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III – 2010 – 2016, Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas

Noynoy Aquino

16th – Rodrigo Roa Duterte – 2016 upto Present, Ika-anim na Pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas

Kasalukuyan na naka-16 na Pangulo na ang Pilipinas. May dumaan na minahal ng tao, may dumaan na matatalino, may dumaan na pumatay ng demokrasya at meron ding sinagip ang “demokrasya”. At sa darating na halalan, magdedesisyon nanaman ang bayan. Sino ang karapat-dapat? Pumili na, pag-aralan at pag-isipan maigi ngayon pa lang.

Sino ang iboboto mo sa 2016 sa pagkapangulo ng Pilipinas?

-Metaporista

12 thoughts on “Mga Presidente ng Pilipinas

Leave a Reply