The Fallen 44 – Tragedy

Sana nga isa na lang computer game. Yung tipong laging malakas ang loob dahil alam nila, pagkasalo nang bala at pagkamatay, mabubuhay ulit sila para sa next round ng laban. 100% ang buhay at kargado nanaman ang baril. Kaso hindi. Totoo ang nangyari.

2015/01/img_4631-0.png

-Mamasapano Massacre-

Narito ang pangngalan at larawan ng Fallen 44 (image from GMA News)

2015/01/img_4629.jpg

Nagsimula ang lahat sa paghunt (Operation Wolverine, Terminator at Exodus) kay Zulkifli “Marwan” bin Hir na isang miyembro ng Jemmaah Islamiyah na may patong sa leeg na $5 Million. May warrant of arrest para sa Malaysian Bomber at tukoy na rin ang kanyang kinalalagyan. Hinuli nila dahil pulis sila at obligasyon nila iyon. Nagkabarilan. Sumugod daw na walang sapat na koordinasyon sa mga sundalo. Hindi makakilos ang sundalo dahil sa cease fire at peace talk ng gobyerno. Ayaw nilang makialam sa mga pulis. Namatay ang 44 pulis. Napagtulungan nang MILF (Moro Islamic Liberation Front) at BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighter) ang mga Pulis. Napatay nila ang bomber. Namatay din sila.
——
Idineklara ang January 30, 2015 na araw ng pagluluksa para sa The Fallen 44 na Pulis.
——
Nagalit ang mga tao kanina dahil inuna pa raw ni NoyNoy ang pagpunta sa Mitsubishi Plant Inauguration na bagong bukas kesa sa pagsalubong sa mga labi na dumating. Hindi mo siya masisisi dahil hindi mo pwede hatiin ang katawan niya. Isa ang Mitsubishi Plant sa makakatulong sa ating ekonomiya dahil sa dagdag na trabaho at murang pag-produce ng sasakyan para sa mga Pilipino. Naging emosyonal ang mga Pilipino at ginawang isyu ang hindi niya pagdalo. “Wrong move” daw iyon. Dapat daw ay prinarioritize nya at personal na sinalubong ang mga labi dahil maiintindihan naman daw siya tiyak ng Mitsubishi Administrator.
—–
Binatikos si NoyNoy sa kanyang speech tungkol sa paghaharap ng PNP-Special Action Force at Moro Rebel . Tila daw naghugas kamay siya.
—–
Rewind muna tayo. Noong January 24, 2015, may sumabog na mga bomba sa Zamboanga. Sabi ng iba ay LPG lang daw iyon at isang diversionary tactics para sa pagtakas ng mga nakakulong na Abu Sayyaf sa Zamboanga City Jail.
—–
Noong January 22, 2015 ay nasa front page ang pagnakaw daw di umano ni Binay sa Boy Scout of the Philippines. Simula pa lang nung last year ay mainit na ang kanyang pangngalan. Sabi niya demolition job lang daw. Nadawit ang pangngalan ng anak niya na ayaw magsalita sa senado dahil hinatulan na raw siya agad bago pa ang pagdinig. Mas marami ang naniniwala kay Mercado. Naiinip na si Sen. Miriam dahil sa haba ng pagdinig. Sabi naman ng Blue Ribbon Committee ay mahaba daw talaga dahil malaking nakawan ang naganap.
—–
Rewind pa. Nakulong na si Napoles, Bong Revilla, Jinggoy at Enrile. Nagpakain pa nga ng pansit si Napoles sa mga kakosa niya. Si Bong pumayat na. Si Jinggoy nakagawa pa ng batas. Si Enrile, mukhang bata pa rin.



—–
Rewind pa ulit. Nung nadawit ang pangngalan nilang 4 na nakakulong ngayon, nagkaroon bigla ng gulo sa Mindanao. Nanggulo bigla si Nur Misuari. Nabayaran daw ng 40 Million Pesos para madivert ang attention sa rebellion na naganap ayon kay Sen. Miriam.
—–
Sana hindi ito diversionary tactics para magpuyos ang galit ng Pilipino at magkaroon ng dahilan para ma-impeach si NoyNoy? Kung ma-impeach si NoyNoy, papalit si Binay. Kung magkakampi ang mga ginipit ni NoyNoy, malamang ay magkakampi din sila para makaganti at bawi sa kanya. Sana hindi nagamit ang mga pulis para sa pansariling kapakanan nang ilang pulitiko. Sana lang talaga.
—–
Para saan daw ang Bangsamoro Basic Law kung hindi naman daw kayang panindigan ang napagkasunduang kapayapaan? Kaya ang payo ni Erap, All-out-war. Wag na raw magtiwala sa MILF kahit kailan.
—–
Rewind pa ng mahaba-haba. Naalala niyo ba yung paghihimagsik ni Trillanes? Ang dahilan ng paghihimagsik nila ay yung kurapsyon sa sistema lalo na ang pagbebenta ng mga Armas sa MILF noong panahon ni Angelo Reyes. Sa tingin niyo ba natigil na yun? Sana nga. Kaso mukhang lumalakas sila lalo. Masamang pangitain yan. Kung sa tingin niyo hindi kayo madadamay, nagkakamali kayo. Nagtatakbuhan na ang turista. Natatakot na ang ilang foreign investor.

Tatlo lang yan. May gustong sumira sa ekonomiya ng Pinas, may gustong magpabagsak sa kasalukuyang Gobyerno at may Opisyal na gusto magpabango ng pangalan pero nabigo.

Kung tayo-tayo nga di maayos ang sariling gulo, paano pa natin mapagtatanggol ang bansa sa mananakop na dayuhan?

Sana ang dahilan talaga ng pagkasawi ng Fallen 44 ay dahil sa brutal lang talaga ang MILF at BIFF. Sabi nila self-defense daw ang kanilang pagpatay. Natural daw na ipagtanggol lang nila ang kanilang sarili. May namatay din daw na MILF bilang patunay na pinagtanggol lang nila ang kanilang sarili. May maniniwala pa ba sa kanila?

Hindi na mababalik ang mga buhay ng mga namatay at nagsakripisyo. 44 na buhay ang nawala. 44 na pamilya ang nagluluksa. 44 na pangarap ang naglaho na mas mabilis pa sa bula. Sino ang may sala? Ano ang lunas? Kung hindi bagyo, korapsyon. Kung hindi korapsyon, krimen. Kung hindi krimen, kahirapan. Wala tayong takas. Bulok ang sistema. Bulok rin kasi tayo mismo. Inuuod na tayo. Pero wag tayo mawalan ng pag-asa. Dahil pag nawala yun, wala nang dahilan para pagmalasakitan pa ang ating bansa. Sana magsimula sa decommissioning ng armas ng MILF ang pagkakasundo. Sa ngayon, bigyang pugay muna natin ang Fallen 44. Wag na magsisihan. Sana matuto humingi ng tawad at panagutan ang pagkakamali. Sana matuto na lang tayo sa pagkakamali. Sana maging isa na ulit ang 7107.
—–

Metaporista

2015/01/img_4632.jpg

“You can’t talk peace and have a gun..”

-Kaleidoscope World by Francis Magalona

0 thoughts on “The Fallen 44 – Tragedy

  1. Thank you po :). Dahil po dito sa blog na ito, nagkaroon po ako ng kaalaman tungkol sa Fallen 44 at nagamit ko rin po ito para sa aking Proyekto.

Leave a Reply