The Dilemma: All-Out-War or Peace Talks? (Philippine Insurgents)

The Dilemma: All-Out-War or Peace Talks? (Philippine Insurgents)

It was year 2003, tandang-tanda ko pa. 4th year highschool ako noon at medyo inaantok sa Araling Panlipunan na subject namin. Ang isa sa naging topic namin sa araw na yun ay tungkol sa paraan para matigil ang gulo sa Mindanao.

Napakadaling lumabas sa bibig ko na giyerahin na at pulbusin agad sila.

Tinanong ako nang teacher ko, “Sa tingin mo, pag pinatay mo ang MILF ay hindi sila gaganti? Kung may maiiwan kang isang buhay, gaganti yan at doble pa. Kung may maiiwan kang anak nila, gaganti yun paglaki nila . Kung terorista ang tingin natin sa kanila, ang tingin nila sa pulis ay mas masahol pa sa terorista.”

Sumagot ako “E mam, paano yung mga pinatay nila? Yung mga hinostage at pinahirapan? Kung hindi po sila uubusin, yung mga inosente naman po ang madadamay.”

Sinagot niya ako ngunit hindi direkta. Qinuote niya ang sabi ni Gandhi.

“An eye for an eye only ends up making the whole world blind.”

Natahimik ako at ninamnam ang gusto niyang ipamukha. Pero bago ko pa nalunok ay pinaliwanag na niya agad.

“At ano ang gusto mo mangyari? Maubos tayong lahat? Hindi matatapos yun kung gagantihan mo sila. Maraming madadamay at magastos ang giyera. Pag naubos mo yung sa Mindanao, meron pa yan sa Visayas at Luzon hindi lang natin alam. Baka nakakasalubong mo yun sa mall. Malinis ang mukha at katulad mo magbihis. Pero hindi mo yun malalaman. Pilipino ang MILF. Wala silang pinag-iba sa atin kundi ang prinsipyo at ipinaglalaban lang sa buhay.”

Hindi na ako sumagot. Napaisip ako. Kung sasagot ako, baka gaya ng giyera, hindi rin matapos ang balitaktakan namin.

Sa akin, merong isang dapat manalo. Pero, yun nga, sa isang giyera parehas talo lahat ng kasali pati ang inosenteng nasa gitna at lalo na kung kalahi mo at nasa iisang bansa kayo nagpapatayan.

Pero paano titigil kung walang mananalo?

-ibigay ang gustong lupa at sistema nila, at baka tumigil yan pansamantala
-ibigay nila ang kapayapaan na gusto nang gobyerno, at baka tumigil yan pansamantala

Paano titigil kung walang susuko?

-susuko sila pansamantala pag natutukan na sa ulo nang baril o kaya ay naubusan na sila ng bala at bomba
-susuko ang gobyerno pansamantala pag nasa bingit na ang buhay ng maraming tao


Kailangan natin ay pangmatagalang kapayapaan at hindi pansamantala.

Bilang isang “Pamahalaan” na ang silbi ay “mamahala”, dapat na sila ang kumokontrol sa mga paksyon na taliwas na sa moralidad at hindi sila ang kinokontrol at sunud-sunuran. Sila ang dapat maghain ng desisyon.

Ang tanong, pagkalipas ng taon, gusto ko pa bang pulbusin ang MILF gamit ang bala o All-out-War?

Ang sagot, hindi na. Hindi tayo dapat magalit sa tao kundi yung sistema at maling gawa nila. Isulong ang Peace talks kung kaya pa but we need to put a limit point. Sabi nga ng matatanda, wag mag desisyon kapag galit. Baka kaya lang natin gusto itigil ang peace talks ay dahil nagpupuyos pa tayo sa pagkamatay ng Fallen 44. (Oo, kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila na pag overkill sa mga pulis). Kailangan ng negosasyon pero hindi sa punto na hihiwalay sila sa Pinas. Kung ako ang tatanungin, dapat i-push andItuloy ang Bangsamoro Basic Law. Isuko nila ang armas kapalit ay bibigyan sila ng stable na kabuhayan at maayos at advance na paaralan para sa kanilang mga anak at karapatan na mamuhay din ng payapa. Hindi sila pagkakaitan ng basic na kalayaan. Pero paano kung makakuha nanaman sila ng armas at manggulo at muling pumatay at mang-hostage ng tao? May consequences na tiyak na pagsisisihan nila. Yun ang limit.

The bigger problem?
Ang MILF ay break out group ng MNLF. Di kasi sila nakuntento sa ihinain ng gobyerno. Ang BIFF ay break out group ng MILF. Payag na ang MILF sa Autonomy na ihahain ng gobyerno pero yung BIFF gusto ay full independence. Lagi na lang nanganganak. At pag nanganak, may bagong demand na pag hindi ibinigay ay manggugulo na naman. Huwag din kalimutan na meron pang Abu Sayyaf at NPA na pwedeng manggulo at mabayaran ng ilang pulitiko para madivert ang atensiyon sa kanila ng mga tao.

metaporista

Leave a Reply