Remember to put the Glass Down (Moral Story)

Remember to put the Glass Down (Moral Story)

IMG_4713

Pumasok ang isang guro na nakangiti sa kanyang klase na may dalang baso na may tubig. Tumayo siya sa harap at tinanong niya ang mga estudyante kung gaano sa tingin nila kabigat ang basong may tubig na hawak niya.

May sumagot na 8 oz hanggang 20 oz.

Ang sagot niya, “Kung tutuusin, walang halaga ang bigat ng basong may tubig. Nakadepende yun kung gaano mo katagal hahawakan ang baso. Kung isang minuto, kayang-kaya mo yan. Pag isang oras, sasakit ang kamay mo. Pag isang buong araw, mamamanhid at maninigas na ang kamay mo. Walang kinalaman ang bigat ng munting baso kundi kung gaano mo ito katagal hahawakan.”

Tuloy pa niya, “Ganyan din ang stress, takot at pangamba sa buhay natin. Isipin mo yan ng panadalian, parang walang nangyari at di ka maaapektuhan. Pag inisip mo ng medyo matagal, masasaktan ka na. Isipin mo ng buong araw at buong magdamag, hindi ka na makakakilos at wala ka na siguradong magagawa dahil sa kakaisip at pangamba.”

Wag kalimutang ibaba ang baso.



Story Source: FB Page of Distractify

Leave a Reply