Sampung Utos sa Pagbibigay ng Tsokolate

Sampung Utos sa Pagbibigay ng Tsokolate



IMG_4796-3

Handa na ang budget. Handa na ang lakas ng loob. Pero meron kang huwag dapat kalimutan. Ito ang sampung utos sa pagbibigay ng tsokolate.


10. Huwag na magbigay ng mamahalin kung wala kang pambili. Kaya nga may Cloud 9, Big-bang at LaLa.

9. Huwag magbigay kung ikaw rin ang kakain lahat. Bili ka na lang para sa sarili mo.

8. Huwag magalit pag hindi niya tinanggap ang bigay mo. Atleast may panghimagas ka na.

7. Huwag na magbigay pag alam mong may kasintahan na. Wag na manulot.

6. Huwag magbigay ng korteng puso kung di mo naman mahal. Paaasahin mo pa.

5. Huwag magbigay na di tinatanggal ang presyo. Gusto mo pa ata maningil.

4. Huwag magalit kung mamimigay siya sa iba. Sa kanya na yun kaya bahala siya dun.

3. Huwag magbibigay na may inaasahang kapalit. Kiss agad gusto mo, wag agad umasa.

2. Huwag na magbibigay nang may nuts sa maraming pimples, allergic at walang ngipin. Maliban lang kung may atraso sayo.

1. Huwag magbigay kung napipilitan lang. Dapat masaya ka at bukal sa kalooban mo.

Image: lastwallpapers.com

Rate: 5 Stars
Share and subscribe

Leave a Reply