Pitong Obserbasyon – Day 2 – Senate – Mamasapano Clash

Pitong Obserbasyon – Day 2 – Senate – Mamasapano Clash



Ito ang aking Pitong Sentimo after Day 2 sa Senado.

1. Si Marwan ay kinupkop ng BIFF sa mahabang panahon at walang ginawang hakbang ang MILF para isuko o tugisin siya kahit kapit-baranggay lang nila ang Bomb Maker.

2. Hindi agad sinabi ni Napeñas sa AFP at kay Espina ang gagawing pag-atake. Pero kung sasabihin niya kasi, makakawala nanaman si Marwan. Hindi dahil wala siyang tiwala sa kabuuan ng AFP kundi dahil alam niyang may nakamanman o naglalabas ng impormasyon para hindi mapatay si Marwan.

3. Wala na sa posisyon si Purisima para magcommand at ‘advice’ lang daw ang ibinigay niya kay Napeñas. Pero kung iisipin, kung hindi dahil sa impormasyon o intelligence na binigay ni Purisima, hindi mapapatay si Marwan.

4. Hindi agad sumuporta ang AFP dahil kulang daw sila sa detalye. Mas sinunod daw nila ang doktrina nila at operating procedure at hindi sila sumugal at nagmadali dahil baka ang mapatay daw nila ay ang mga SAF at hindi ang mga kalaban. Walang ibang sinisisi ang AFP kundi si Napeñas na hindi raw nakipagcoordinate.

5. MILF & BIFF vs SAF ang naging laban. Kung talagang gusto ng MILF na walang maging abala sa peace talks, dapat, MILF & SAF vs BIFF ang naging laban. Obviously, hindi rin sinabi ni Napeñas sa MILF ang pag-atake kay Usman dahil mataas ang posibilidad na may informer si Usman doon at hindi nanaman siya mahuhuli.

6. Lumabas, lumitaw at naipakita ni Napeñas ang kanyang galing, talino, tapang at paninindigan sa harap ng senado. Very sharp ang utak at magaling sumagot. Lumalabas na humingi siya ng tulong pero hindi agad dumating. Wala ring air-support at tulong mula sa CIDG. Ang SAF ay parang Sundalong Pulis pero kulang sila sa resources at kagamitan.

7. Obvious na naimpluwensyahan talaga ni Purisima ang desisyon ni Napeñas. Pero kung hindi dahil sa ‘Advice’ ni Purisima, hindi nahuli si Marwan. Yun nga lang, kung kinoordinate nila sa AFP ay baka hindi namatay ang Fallen 44.

At dahil dyan, bayani talaga ang Fallen 44 pati ang mga nakasurvive na sundalong lumusob. Pero hindi pa dun natatapos ang laban sa terorista. Dapat ding patunayan ng MILF na magpapasakop na sila sa gobyerno at gusto nila ng Peace. Patunayan nila sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo, pagsuko ng mga armas at wanted na terorista na nasa kanilang poder at sakop. OK ang BBL para sa pang matagalang kapayapaan pero dapat pag-aralan maige ang sistema, proseso at epekto bago ipasa. Tiyakin na di magiging threat sa ating Pamahalaan kundi magiging katulong sa pagsugpo ng kaguluhan. Critical ang pagkakataon, isang maling galaw nila, at totally mawawala na ang tiwala ng gobyerno sa kanila. Ibuhos na nila lahat ng makakaya nila at inunat ang kamay at patunayan sa lahat na karapat-dapat sila sa kapayapaan na gusto nila.

Day 2 – Senate – Mamasapano Clash

Leave a Reply