The Bangsamoro Basic Law Conspiracy

The Bangsamoro Basic Law Conspiracy

Ang initial na target para ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) ay sa March 2015 pero gaya nga ng sabi ni Sen. Marcos, nasa coma ngayon ang estado ng nasabing batas.

Ito ang ilan sa mga kumakalat na conspiracy theory ngayon. WALANG KATIYAKAN ang mga sumusunod na Teorya at wag agad paniwalaan ang alinman hangga’t walang matibay na ebidensya mula sa Truth Commission gaya na lamang noong kumalat na ulat ng Manila Times. Mag-ingat sa lahat ng nababasa sa balita at internet.

1st Conspiracy – Anti-BBL
May kinalaman ba ang pagkamatay ng SAF 44 para sa ikatitigil ng BBL?
– Dahil sa brutal na pagpatay, may dahilan na para makuwestiyon ang MILF sa sinseridad at kapasidad ng kanilang leader na kontrolin ang kanilang mga tao at fighters. Kung iisipin, kung hindi nangyari ang pagkamatay ng fallen 44, maapruban ang BBL na hindi nasisiguro ang kaayusan ng sistema. Lumutang ang isang question na isang flaw sigurong napatayunayan lang sa salita ngunit hindi sa gawa. Nagkataon lang ba ang pangyayari? O nakialam na talaga ang tadhana para hindi malagay sa peligro ang buong Pilipinas.

2nd Conspiracy – Pro-BBL
May madudulot na maganda ang BBL para sa pangmatagalang kapayaan pero may mga taong ayaw makamit iyon nang Pilipinas.
– May pamilya, angkan, grupo o tao na matatamaan ang kabuhayan, impluwensiya at kapangyarihan pag pinasa ang BBL dahil sa kailangan na nila ng maayos na komunikasyon, koordinasyon at pakikipagtulungan sa Gobyerno. Hindi na sila makakapag kanlong ng mga terorista at makakapagpasok ng mga iligal na produkto at makakagawa ng mga iligal na gawain.




3rd ConspiracyAng BIFF ang ‘Galamay’ ng MILF

– Maaaring sabihin ng MILF na hindi na sila rebelde pagka-apruba ng BBL pero kung gusto nila manggulo ay pakikilusin nila ang BIFF na karamihan ay kamag-anak nila at kapatid sa muslim. Hindi titigil ang rebolusyon dahil tiyak na ang BIFF ay hihingi din ng demand sa gobyerno para sa kanilang ikatatahimik.

4th Conspiracy
Ma-divert ang atensiyon ng publiko mula sa akusadong official ng pamahalaan

– Nakalimutan na si Napoles, Binay, atbp na nababalitaang nagnakaw sa kaban ng bayan. Nawala na ang spotlight sa kanila at medyo makakakilos sila at makakabili ng oras.

5th Conspiracy
May planong ibagsak si PNoy

– May mga planong gustong patalsikin si Pnoy at idiin si Purisima dahil sa mga kinanti nilang matitikas na pulitiko at negosyo. Alam nila na gusto ipasa ni Pnoy ang kasunduang pangkapayapaan at para pagmulan ng galit ang kanyang pagsuporta doon, nanggugulo sila ngayon. Gusto nilang ilabas na hawak sa leeg ng Amerika si Pnoy.

Leave a Reply