Watch Viral Video: Commander Bravo Warns Christians and the Government

Watch Viral Video: Commander Bravo Warns Christians and the Government

Panoorin ang speech ni Commander Bravo noong 2009 na kumakalat ngayon sa internet. Makikita ang kanyang babala sa mga kristiyano, sa Amerika at sa Gobyerno.

Bakit kaya ito nasabi noon ni Commander Bravo noon? Balikan natin ang kasaysayan ng mga Moro.

Ang totoo, hindi maipagkakaila ninuman na ang Pilipinas ay hindi bansa ng mga Kristiyano. Ngunit dumating ang mga Español, si Magellan at nilunsad ang krusada (Krus o Espada) na pinag-utos ng kanilang hari. Nakipaglaban ang mga Moro para maproteksyunan ang kanilang tinitirahan dahil ipinag-utos na patayin lahat ng Moro na tinuturing ng España na threat sa kanilang kalakal at pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Na-infiltrate ang Norte at Gitna ng Pilipinas kaya napasok iyon ng Kristiyanismo. Southern part ng Pilipinas ang nanatiling Moro dahil nakipaglaban sila at doon sila kasi concentrated.

IMG_4922
Coin image from: numista.com

Para sa karagdagang kasaysayan ng Moro, panoorin ang video sa baba.

Wala tayong pinagkaiba sa Britain at mga Aborigines. Halimbawa, noong colonization ng Europe sa Australia, ang Aborigines ang orihinal na naninirahan sa kanilang bansa at sinakop lang din sila at humantong din sa maraming patayan at pang-aalila. Panoorin ang video ng kanilang kasaysayan.

Ang tanong: Bakit ngayon, bagaman hindi perpekto, ay naging maayos ang pakikitungo ng mga lahing puti sa Aborigines?

Binigyan sila ng pantay na karapatan sa lahat ng larangan at aspeto ng pamumuhay at sa katunayan, mas maswerte ka kung Aborigine ka dahil mas maganda ang benepisyo mo dahil pinahalagahan nila ang mga totoong unang may-ari ng kanilang bansa.

Ang kaibahan sa ating bansa ay hindi tayo nahati sa kulay ng balat at lahi kundi nahati tayo sa relihiyon at paniniwala. Pero sinisikap naman ng gobyerno ng Pilipinas na maging patas sa parehong panig. Mas marami na ngayon ang Kristiyano kesa sa Muslim. Pero hindi naman yun dahilan para hindi sila bigyan ng pagpapahalaga. Kung may mas original na lahi ng Pinoy ang pag-uusapan, nasa lahi at dugo nila yun nananalaytay.

Ang gusto kong sabihin, deserving ang Moro sa Peace Talks basta maging maayos, patas at totohanan ang kanilang pakikipagkasundo. Sa mga masyadong maiinit ang ulo at gusto ng giyera, sige, giyerahin ninyo ang kapwa ninyo Pilipino.

Hindi solusyon ang baril at bala.

Oo, kailangan managot ng mga brutal na pumatay sa Fallen 44 dahil alagad sila ng batas. Oo, kailangang tumulong ang magkabilang panig pigilan ang masasamang tao na makagawa ng karahasan sa kahit na sino. Dapat parehong mapatunayan na malinis ang intensiyon at maipakita ang hustisya at pantay na karapatan para matamo na ang kapayapaan.

Ang problema sa karamihan, hindi binabalikan ang kasaysayan. Hindi ito usapin ng relihiyon. Usapin ito ng mabuting tao laban sa masamang tao. Usapin ito ng respeto at pagkakapantay-pantay bilang Pilipino.

Leave a Reply