Palace: Mohagher Iqbal’s Real name is Edu Mansanas

Palace: Mohagher Iqbal’s Real name is Edu Mansanas

Ayos lang pala gumamit ng ibang pangalan kahit gobyerno na ang kausap mo. Normal na raw sa mga rebelde na baguhin ang kanilang pangalan para sa kanilang proteksiyon at lalo na para sa proteksiyon ng pamilya. Bakit nga ba biglang kinalkal ang pagkatao ni Iqbal? Siguro may gusto gawin ang gobyerno sa pamilya niya pero wala silang makitang kamag-anak.

Ang ibig sabihin ng ‘mohagher’ ay immigrant at ang ‘iqbal’ naman ay lofty.

Salah Jubair naman ang kanyang pen name na ginamit niya sa pag publish ng dalawang libro.

Ang katwiran ng iba, si Jose Rizal at Marcelo Del Pilar nga raw ay gumamit din ng ibang pangalan. Sumikat din sina Jose Pidal, Bob Ong at Nardong Putik at masasabing matagumpay nilang nagamit sa kanilang kani-kaniyang misyon. Misyon na magnakaw, makapagsulat ng malaya at walang limitasyon at maproteksiyunan ang sarili at makapagtago gamit ang agimat.

May epekto ba kung malaman natin kung ano ang totoong pangalan ni Ginoong Iqbal? Kahit ano pa ang maging pangalan niya at kahit maging Edu Mansanas pa iyan o Lucky Mansanas, hindi na kailangan pang ilabas ng gobyerno ang tunay niyang pangalan sa publiko. Sa inyo na lang yan. Mga chismoso at chismosa lang ang excited malaman yan. Imposibleng hindi alam ng gobyerno ang tunay na pangalan pero itago niyo na lang.

Ang paggamit ng ibang pangalan ay parang paggamit ng Post Office Box at hindi diretsang address sa bahay mo. Kung ikakalat mo man sa publiko ang PO box address mo, walang magiging problema dahil hindi naman yun ang tunay na address mo sa bahay na pwedeng paulanan ng bala ng macho gun.

Ang totoo, mahirap ang kalagayan ni Ginoong Iqbal ngayon. Kapalit ng kapayapaan ng bansa ay ang katahimikan at seguridad ng kanyang pamilya. Sana lang, yun ang dahilan ng paggamit niya ng alyas at hindi ng dahilan gaya ni Jose Pidal.

-Metaporista

Leave a Reply