Pacquiao Fight Stereotypes

Pacquiao Fight Stereotypes



Laban nanaman ni Manny! Isa ka siguro sa mga nasa baba!

Pacquiao Fight Stereotypes:

1. Boy Katok

-Yan yung mga kaibigan niyong bigla na lang manggugulat sa bahay niyo dahil makikinood sa pay-per-view niyo at livestream. Hindi na mahihiya dahil bukod sa mas sasaya kayo, sasaya talaga kayo. Sa buong mundo ito at kung minsan mas todo pa sumuporta ang OFW!

2. Boy Utos

-Sila yung tita, tito, lola, lolo, nanay at tatay niyo na bigla kayong uutusan bumili ng yelo o softdrinks o kaya ay bumili ng sahog para sa pancit na niluluto bago ang laban ni Pacquiao. Undercard pa lang naman pero kakabahan ka dahil baka magsimula na laban ni Pacquiao.

3. Boy Absent

– Yan yung biglang magkakasakit bukas dahil may duty sila sa trabaho. At dahil laban ni Pacquiao, lahat ng palusot gagawin basta mapanood lang ang laban ni Pacquiao. Pati mga snatcher, holdaper at pulitiko ay nag daday-off muna.

4. Boy Analyst

– Yan yung mga kaibigan niyong feeling expert sa boxing dahil marami lang napanood na boxing fight sa youtube. Mabibilib ka sa mga kwento nila pero tatawanan mo na lang pagkatapos ng laban dahil walang tumama sa hula niya.

5. Boy Pusta

– Sila yung hindi pwedeng walang kapustahan tuwing laban ni Pacquiao. Tiba-tiba sila lagi pag laban ni Manny. Pati biyenan ipinupusta.

6. Boy Sigaw

– Sila yung sobrang lakas sumigaw sa laban ni Manny. Round 3 pa lang paos na. Tumatalon talon pa at sumusuntok suntok sa hangin.

7. Boy Sisi

– Sila yung galit kay Manny lagi. 

Bakit kasi di mo pinasok sa Kaliwa!

Bakit di mo dinepensahan mukha mo!

Yan kasi mayabang ka na!

Akala mo ay nasa tabi siya ng ring at puro sisi at utos kay Manny ang ginagawa.

8. Boy Asa

– Sila yung may linyang

Kaya pa yan! Makakabawi pa yan!

Hindi pa nag-iinit antayin niyo!

Ayan na oh! Ayan na! Ayan na!

Tapos pag natalo sasabihin ay nadaya.

9. Boy Traydor

– Sila yung tumataya sa kalaban ni Manny lagi. Sila yung napapalundag sa saya kapag natalo si Manny.

10. Boy Update

– Sila yung daig pa ang media sa pag update sa nangyayari kada round! Sila yung spoiler sa mga nag-aabang sa GMA na may 15 hanggang 20 na commercial kada round. Pati si Chavit at aling Dionisia ay kasama sa kwento niya.

Sino ka sa mga yan? Kahit sino ka pa dyan, enjoy na lang lagi!

Share!

Leave a Reply