Ang buhay ay parang gulong

Ang buhay ay parang gulong




Sabi nila, ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa baba ka, minsan nasa taas.
Minsan yung iba pag nasa taas na, ayaw nang bumaba. Takot na makaranas ng mga kabiguan, pagkakamali at kahihiyan. Stagnant. Feel safe. Secured na ika nga.
Kaso nakakalimutan nila na para makausog ka, makaabante at malayo ang marating, makakaranas ka talaga na mapunta sa ilalim nang hindi lang isa, kundi libong beses.
Para sa mga nakaranas na nasa ilalim sa mahabang panahon, hindi yan habambuhay. Darating at darating na mararanasan mo ring mapunta sa tuktok. Pero choice mo yun. At ang pinakamagandang choice ay tulungan mo ang sarili mong umabante. Baka nagtutulong tulong na sila sa pagtutulak pero ikaw mismo ang ayaw umusad. Baka may kalang, tanggalin mo para di ka mahirapan.
Magpasalamat pag nasa tuktok at wag lumimot. Pag nasa baba ka naman, kunin mo lahat ng mga pwede mong matutunan at wag magmukmok.
Gaya ng mga gulong, isang beses lang din tayo mabubuhay. Hindi ka pwedeng kapalan pag numipis na. Wag kang matakot pag numinipis ka na dahil sa dami ng mga karanasan mo. Isa lang ang ibig sabihin nun, Malayo na ang narating mo, at sinulit mo ang buhay mo. Lumaban ka kasi. Tinulungan mo kasi ang sarili mo. Na-enjoy mo ang buhay mo.
Iba-iba tayo nang sukat at silbi. May pang bike, pang kotse, pang bulldozer, pang eroplano at iba pa. Wag mong pilitin maging iba dahil hindi mo lang kakayanin. Iba-iba kasi ang weight load  na nararanasan natin at pag pinilit mong malagay sa iba, baka sumabog ka. At kung malaki ka masyado para sa role mo, sayang ang kapasidad mo. Kailangan mo gumawa nang paraan para malagay at makabalik sa dapat mong kalagyan.

Darating ang araw mafaflat ka pag may nadaanang pako o barb wire. Ganun talaga ang buhay. Dapat ihanda mo na ang sarili mo na pwedeng mangyari yun. Yung iba, sa takot na mabutasan, hindi na kumikilos, di na gumagalaw.

Naisip mo ba minsan, paano pag huling biyahe mo na pala bukas? Ipipikit mo ba ang mata mong masaya at walang pagsisisi? Sana oo.

Metaporista

Leave a Reply