But you didn’t

But you didn’t



Naalala mo ba noong nabangga ko ang hiniram kong bago mong kotse?

Akala ko papatayin mo ako..

Pero hindi e..

  

Naalala mo noong natapon ko yung kape sa bago mong karpet?

Akala ko magagalit ka sa akin..

Pero hindi e..

  
Naalala mo noong pinilit kita na pumunta sa park kahit sabi mo na baka umulan ng nyebe?

Akala ko sasabihin mo “O sabi ko na sayo..”

Pero hindi e..

  

Naalala mo noong nakipaglandian ako sa iba para pagselosin ka?

Akala ko iiwan mo na ako..

Pero hindi e..

  

Naalala mo noong nag-away tayo bago sumayaw?

Akala ko iiwan mo na ako mag-isa..

Pero hindi e..
  
Oo, maraming bagay ang hindi mo ginawa.

At pinagbibigyan mo lang ako lagi..

  

Minahal ako,

Inalagaan ako..
  
Gusto kong bumawi sayo sa napakaraming bagay pag bumalik ka na galing sa Vietnam..

  

      

Pero hindi na e..

 
—-

Illustrated by Ajit Johnson

Follow him at

twitter.com/ajitjohnson_n

Instagram.com/ajitjohnson.n

Google.com/+ajitJohnson

Fb: ajitjohnson.n

—–

Leave a Reply