Umatake na ang China sa Pilipinas

Umatake na ang China sa Pilipinas

Baka World War 3 ang mangyayari kung sakaling matuloy ang pagtatanggol sa mga pulo ng Pilipinas na sinakop ng China. Gaano nga ba kalaki ang epekto ng kanilang pananakop? Ang mga mangingisda lang ba ang nakakaramdam ng direktang batok ng mga Chinese? Pride nga lang ba ang pinagtatalunan? Batas at moral nga ba ang dapat na mangibabaw?

Matagal na umatake ang China ilang dekada na ang nakalipas. Hindi sila nanakit o pumatay. Umatake sila sa ating ekonomiya gamit ang utak at tiyaga. Marunong sila humawak at magpaikot nang pera kumpara sa karamihan nang Pilipino. Habang nagpapakasasa tayo sa pagbili nang bahay, kotse, cellphone at alahas, abala sila sa pag-iipon ng pera para makapagtayo ng negosyo. At ang resulta, sila na ngayon ang boss natin. Hawak nila tayo sa leeg. Hindi ka makasigaw at makapagpahayag ng galit sa China dahil alam mong may kalalagyan ka pag narinig ka ng Boss mo. Hindi nila kasalanan na umunlad sila kesa sa atin. Tayo ang may kasalanan nun. Aminin natin na marami na rin tayong malalapit na kaibigan na may dugong Chinese. Hindi naman sila ang may problema kundi ang gobyerno nila na agresibo at inconsiderate. Wag tayong magalit sa amo natin na Chinese, kaklase, kaibigan at kakilala. Wag tayo magalit na nandito sila sa Pinas dahil baka nakakalimutan mo nagkalat din ang Pilipino hindi lang sa China kundi sa buong mundo. Wag ka magalit kung nagkalat ang pekeng produkto nila dito dahil pabaya lang talaga ang customs natin at kikilos lang sila pag may media na.

Ang usapan dito, makiisa ka sa pagtanggol sa Pilipinas pero di mo kailangang pumatay. Idaan sa diplomatiko at mabuting paraan. Wag kalimutan ang Golden Rule. Walang mangyayari sa dahas dahil pinapakita mo lang kung anong uri ang pagkatao mo. Sa mga ganitong sitwasyon, pangmatagalang solusyon ang dapat na hanapin. Wag kang humiling ng giyera. Pinakabobong tao sa kalawakan lang ang may gusto nun. Walang relasyon ang dapat na masira dahil sa isyu na ito. Lawakan lang ang isip. Obligasyon na yan ng gobyerno natin na makipag-ayos. Kung sa tingin mo ikaw ang makakaayos nang problema, tumakbo ka sa 2016.

Metaporista

Leave a Reply