Manners before knowledge: Education in Japan

Manners before knowledge: Education in Japan



E ano naman ngayon kung matalino nga ang estudyante mo at magaling sa Math, Science, English at History? Nakakasiguro ka ba na maganda ang asal nang anak mo?

Oo mahalaga ang matutong magbasa at magsulat. Malayo ang mararating mo. Pero sapat na ba yun para mabago ang buong lipunan?

 

Oo sasabihin nang iba, ‘maluwag kasi ang buhay sa Japan kaya konti lang ang magnanakaw at manlolokong tao’.

Sapat bang dahilan ang pagkapit sa patalim pag naghirap?

Sasabihin nang iba, ‘pangit kasi ang gobyerno sa Pinas’.

Oo pangit talaga pero hindi rin sapat yun na dahilan para hindi turuan ng magandang asal ang anak.

Sasabihin ng iba, ‘hindi lang naman sa school dapat natututunan yun kundi pati sa bahay at pagpapalaki ng magulang’

Oo tama yun. Kaso naiimplant nga ba ng magulang ang tamang manners sa maayos at epektibong proseso?

Napakalaki nang role ng teachers sa ating bansa lalo na yung nagtuturo sa mga murang edad. Henerasyon ang didiktahan nila. Mga teacher ang may hawak nang future natin kung tutuusin. Anong nangyari sa Pilipinas?

May pag-asa pa ba?

Oo. Itaas natin ang antas ng moralidad. Hindi na ito usapin ng yaman, antas sa lipunan, relihiyon at lahi. Usapan na ito ng pagkatao at kinabukasan. Tama si Rizal na kabataan ang pag-asa ng bayan. Hindi nga lang natin masiguro kung tayo nga yung pag-asang tinutukoy niya. Baka ang nagpalaki kasi sa atin ay yung henerasyon na mas masaya kapag mataas ang grade kesa may magandang asal.

Panoorin ang video sa baba sa isang paraan ng pagtanim ng good manners.


 http://youtu.be/S6_Anq-gN8I

Metaporista


Credit photo link

One thought on “Manners before knowledge: Education in Japan

Leave a Reply