Skyway: Shortcut to ‘Biyaheng Langit’

Skyway: Shortcut to ‘Biyaheng Langit’

  
Sobrang laking tulong ng Skyway para mapabilis ang biyahe at mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila. 

Pero di na mabilang ang aksidente sa Skyway. Normal lang naman daw yun sa kahit saang kalsada. Oo, normal nga pero ang mas nakakabahala ay yung ‘paglipad’ ng mga sasakyan habang binabaybay ang kahabaan ng ‘Daang Langit’. 

Kamakailan lang ay may lumipad nanaman.


Sabi ng iba, dahil daw sa over speeding at walang disiplinang driver. Sabi naman nila, tingnan daw ang aerodynamics part at floatation ng gulong pag basa ang kalsada. Minsan daw masyadong malakas ang hangin at nililipad talaga. Lagyan naman daw ng mas mataas na barrier sabi nang iba. 

Tingnan muna natin ang speed limit sa Skyway.

 
Tingnan naman natin ang height.

 

Paano nga ba sosolusyunan ang ganitong problema?

Gamitan natin ng Hierarchy of Control

   
Problem: Paglipad ng mga sasakyan sa Skyway
Level 1- Eliminate Risk – (Ito yung the best sa lahat)

Application:

Gibain ang Skyway para walang lumipad na sasakyan. Wag na padaanin ang sasakyan. Pero hindi praktikal. Bukod sa nakakabawas sa trapik, malaking tulong yan sa development ng bansa.





Level 2: Engineering Intervention

Application: 

1) I-check ang road design: surface roughness, air flow, max and min wind load, surface drainage, inclination at iba pa dahil baka may problema talaga dito. Pag may problema, i-rectify.

2) Lagyan ng barrier –

wind barrier – proteksyon sa hangin kung kailangan talaga

Guardrail o protective barrier- dapat ang design ay hindi kailangang mataas pero dapat masiguro na hindi malalaglag ang sasakyan. Naalala niyo yung nalaglag na shuttle bus na nabangga nang Toyota Fortuner sa Skyway? Hindi yun dahil kusa siyang lumipad at na-out of control. Nalaglag yung bus dahil nabangga siya. Dapat yung barrier doon ay kayang maprevent yung pag bagsak ng kahit anong vehicle sa kahit anong paraan. Kawawa na yung nalaglag pero mas kawawa yung nalaglagan na walang kamalay-malay.

Hindi usapin dito kung mataas ba ang resistance sa air ng sasakyan mo (maliban lang kung parang saranggola ang sasakyan mo) dahil dapat safe ang kalsada bago mo pa ipadaan.

Pero safe nga ang kalsada at design, wala naman disiplina ang driver at pangit din ang sistema, wala din. Kaya punta tayo sa next level.

Level 3: Administrative Action

Application:

1) Strict implementation ng Admin ng Skyway sa speed limit, weight, at height. Cancel lisensiya agad pag lumagpas sa certain speed + multa na hindi kayang bayaran basta basta ng anak ng Mayor at Congressman. Dagdagan ng speed cam. More visibility sa mga patrol. 

2) Complete warning signs, linemarking with reflective beads, retro-reflective pavement marker, lights at damihan ang VMS (Variable Message Sign) na pwedeng controlin at inotify ang mga driver na malakas ang hangin masyado kaya imbis na 100kph ang takbo mo ay bumaba ka sa 70 kph to prevent accident. Hindi kasi applicable  ang max speed limit sa lahat ng panahon.
——

Since hindi applicable ang level 1, i-apply level 2 and 3.

——

Maraming pwedeng iblame. Pero hindi dapat yun ang pinagkakaabalahan. Dapat i-reassess ang risk at i-control. Hindi talaga maiiwasan ang aksidente pero pwedeng ibaba ang probability o occurrence.

Isa lang naman ang punto dito, pag lumipad at nalaglag ka sa highway, 99% ang chance mong mamatay kumpara sa ordinaryong banggaan lang.

Mag ingat sa pagdrive. Disiplina talaga ang pinaka kailangan. Most of the time, driver naman talaga ang may dahilan sa aksidente. Human error. Dapat defensive driver, dapat hindi agresibo, dapat hindi beast mode, kalma lang. Liliit ang tsansa na maaksidente ka pag maingat ka.

Di kayo kailangang sumangayon sa akin. Sana maresolba lang agad.

Metaporista

   

One thought on “Skyway: Shortcut to ‘Biyaheng Langit’

  1. Sang-ayon ako dito sa suhestyon mong “guardrail o protective barrier.” Sana naisip na rin ng kinauukulan ito, at lalo na, sana i-implement nila ang mga ganitong magandang ideya. 🙂

Leave a Reply