Bakit Nakakahiya Maging Pilipino?

Bakit Nakakahiya Maging Pilipino?




Walang dapat pagtalunan. Maraming bagay na ikaka-proud ng pagiging Pilipino pero aminin man natin o hindi, may mga bagay at kaugalian na hindi mo rin ikakataas noo lalo na sa social media. Bagama’t hindi lang naman ito nakikita sa mga Pilipino sa Pilipinas at sa ibang bansa, maoobserbahan na in general, hindi naman lahat, ay makikita ang mga sumusunod na ugali:

1. Crab Mentality

– sa tagalog, utak talangka. Hahatakin ka pababa. Kapag nakikita nila na hinog na ang mga pinaghirapan mo, babatuhin ka nila para malaglag ang bunga mo. Sa paanong paraan? Sisiraan ka, gagawan ka ng kwento at ang masaklap, uutangan ka para mamroblema ka sa huli. Sila yung hindi masaya kapag nag-eenjoy ka sa buhay at sa mga pinagpawisan, pinagpuyatan at pinagpaguran mo. Kapag nagsisimula ka naman, sila yung imbis na palakasin ang loob mo sa mga plano mo, sila yung puro negatibo lang ang sinasabi. 

Kapag naglagay ka ng mga talangka sa balde, hindi mo na sila kailangan takpan. Hindi dahil sa hindi nila kaya tumakas. Kaya nila talaga pero pag may makakaalis na, hahatakin nila pababa. “Hindi pwedeng ikaw lang ang aasenso! Dapat lahat tayo! Kung hindi tayo aasenso lahat, mas mabuti pang wala ni isa man ang dapat na umasenso!”

image from: bananastandard.com

 

quote by Jobert Bolanos
 
Panoorin ang video sa baba:

Akala mo sweet, akala mo concern. Ang hindi mo alam, dinudurog na nila ang pangarap mong makalaya dahil takot silang mapag-iwanan. Hindi mo lang sila makikita sa mga pulitiko kundi nagkalat yan sa school, sa mga ofw, at maging sa loob ng bahay niyo.

Babala: Layuan ang mga taong ito. Hindi ka uunlad hangga’t nakapaligid sila sayo.


2. Story maker

– Halos walang pinag-iba yung chismoso at nag-iimbento ng istorya. Sila yung nangangalap at nagkakalat ng kasiraan ng iba. Gagawa ng poser na account tsaka maninira para kagalitan yung taong ginaya na walang kamalay-malay. Akala nila ay sikat o magaling sila pag updated sila sa balita. At para mas maging entertaining at dramatic ay dadagdagan ng konklusyon at dadagdagan ng kwento. Minsan gagawa sila ng kwento para mapagtakpan ang sarili nilang baho. Isa sa mga katangian nila, mainggitin o maiinsecurin tulad ng talangka pero pag kaharap mo ay parang maamong tuta.

image from: Brunoboss.blogspot.com.au

 

image from: boybanat.com
 
Babala: Wag kang magkwekwento ng buhay mo sa kanila ni makihalubilo sa kanila, kung nagawa nilang pagchismisan ang buhay ng iba, pagchichismisan di nila ang buhay mo. Mas nakakahawa yan sa aids kaya mag-ingat. Lumayo sa mga taong may dalawang dila at mapaghatid balita.



3. Masyadong mapaniwalain

-Sa sobrang daming uto-uto sa mundo, mahirap na sila mapigilan.

1 like 1 prayer? – Kalokohan. Maaari kang makatulong sa mga taong nawawala o makapagbigay ng kaalaman o mahalaga, tunay at makabuluhang impormasyon. 

hindi madistinguish ang hoax – yan ang sakit ng mga tao. Hindi muna inaalam kung totoo ba o hindi. Pag nasaktan sila ay react kaagad at hindi man lang inaalam kung totoo ba o poser na mapanira at nangunguha lang ng simpatya ang account na ginamit. Umuusok sa galit dahil sa pinagsasabi at ang matindi, nagbabanta pa na papatay. Ang ibang website ay sinadyang gawin magbigay ng katatawanan o ‘prank’ at hindi sinadyang gawin para manloko ng kapwa tulad ng adobochronicles.com na may balitang halong totoo at hindi. Wag agad maniniwala at iresearch maige. Wag agad magkalat ng kwento na hindi mo pa naman napapatunayan. 

Paninira – dyan active ang pinoy. Pag may lumabas na baho ng mga sikat na tao at institution. Basta scandal, nakunan, nambabae, may almuranas, may hiv, may kabit, may nakawan, korup ay hindi mo matatago yan sa pinoy dahil pagpipiyestahan nila yan. Yung mga media ay sisilipan ka ng mali at obvious na bias sa pagbabalita kaya huwag lang manood o magbasa sa isang dyaryo o station. Doon ka dapat sa walang kinikilangan. Ang tanong meron ba nun? Ang magandang example sa bias na pagbabalita ay ang Rappler na obvious naman para sa lahat ng mambabasa nito. Pero makikita mo rin si ang ibang tagabalita na may pagka bias.

Sawsawerong nagmamarunong- sa isyu ng kapit bahay, gobyerno at kahit saan pa. Hindi kailangan ng kapit-bahay mo ang opinyon mo. Wag kang makigulo sa away ng mag-asawa lalo na sa away ng magkapatid. Paglubog ng araw magkakabati yan at ikaw ang maiiwan sa gitna. Ano ba ang alam mo sa pamamalakad sa gobyerno at pinapangunahan mo sila? Hindi masama maglabas ng opinyon at hinaing pero dapat maging responsable. Baka naman nagpapasikat ka lang at umaagaw ng atensiyon. Ano ba ang pakinabang mo sa usapan? Kung wala mas mabuting manahimik at hayaang magkaayos ang away ng pamilya at magkakapatid. Imbis na pagbatiin ay ginagatungan pa. Imbis na palakasin, nilulumpo pa.

Babala: Mag-ingat sa sinusubo ng media at tukuyin kung totoo ba o hindi. Bago humusga, pag-aralan maige at tingnan both sides pati up and down. Hindi instant ang paghusga. Kaya nga may ebidensyang kailangan sa hukuman.
 

image from: konnectlearning.com.au
 

4. Perpekto

lahat magaling – pagdating sa opinyon,  payo, suspetsa, trashtalk at panlalait. Nakakalimutan tumingin sa salamin at lumagay sa sapatos ng iba.

bash sa spelling at grammar – hindi masamang mamuna pero merong private message para diyan o kaya kausapin mo ng personal. Di mo kailangang mamahiya. Hindi mo obligasyon na iligtas sila. Hindi lahat ng nagkakamali sa spelling ay bobo.

Racist, sexist atbp – galit ang daw ang Pilipino sa mapang-api at mapang mata pero pinagtatawan natin ang mga mababahong ibang lahi at di inaalam na dahil yun sa pagkain at kultura nila. Mapangmata sa maiitim ang balat. Galit sa mga 3rd sex at nakakalimutan nila na igalang sila dahil tao rin sila. Hindi mo kailangan ipagduldulan ang sa tingin mo ay dapat dahil may kani-kaniya tayong paniniwala na dapat mong igalang.

Galit sa manloloko at magnanakaw – apektadong apektado ang iba. Galit na galit dahil ninanakaw daw ang tax pero hindi namab siya nagbabayad ng tax. Laging may sinasabi na sana sa ganito niyo na lang nilustay ang pera para maraming natulungan. Pero pag dun naman nilustay ang pera sasabihin ay dapat binili niyo na lang nang fighter jet para may pang protekta tayo. Ang daming sinasabi. Pabibo. Kung gusto mong makarating ang hinaing mo ay gumamit ka ng maayos na plataporma.

Galit sa taong nagkamali – example ay si beast mode, si you don’t do that to me at yung babaeng may tatay na namaril nang aso. Galit ka? Oo bugso ng damdamin. Kung ituring sila ay Persona non grata agad. Parang hindi tayo nadapa at nagkamali nung bata tayo. Normal sa tao ang magkamali. Magdamdam ka kung hindi natuto sa pagkakamali at hindi nagsisi. Minsan sa buhay natin, para matuto tayo, kailangan talagang makaranas ng pagkakamali. Ang masaklap sa ilang pinoy, natuwa pa noong may malakas na pagsabog sa China. Karma daw. Buti nga raw sa kanila. Ang problema sa atin, nakakalimutan natin na ang pinaglalaban natin ay wag nilang sakupin ang karagatan natin na ginagawa sa diplomatikong paraan sa tulong ng Japan, Australia at iba pa. Wag natin silang hingan ng masamang kapalaran. Nakalimutan niyo na yata ang Liham ni Yolanda.
 

imgae from: hotrocksbikerace.com
 
Babala: Bago ibuka ang bibig, mag-isip ng pitong beses. Bago i-type, tanungin ang sarili kung tinype mo ba yun dahil galit. Bugso lang nang damdamin yan. Magpalamig ka muna bago mag-isip

5. KJ (Kill Joy)

Naninita ng kasiyahan ng iba. E ano kung Aldub ang libangan niya, e ano kung si Justin Bieber ang trip niya at ano naman kung gusto niyang libutin ang buong mundo kasama ang baby niya at mag-upload ng maraming picture. Anong masama? Walang taste, nakakabobo? Wag ka masyadong concern sa kanila. Unahin mo sarili mo. Galit din sila sa nakikiuso o mga band wagon. Anong masama? Poser agad? Balimbing agad? 

Babala: Wag ka magpadikta sa iba. Kung doon ka masaya, manindigan ka at ipaglaban mo. E ano naman.

image from: galsource.com

6. Hingi ng pera sa nag-aabroad / nagtratrabaho

– Yan ang problema. Hingi lagi at di man lang sila kinakamusta. Laging may sakit kuno, kailangan ng pambayad kuno at iba pa.

Babala: Di masamang tumulong. Gamitin ang utak. Baka niloloko ka na nagpapagod ka pa.

 
7. Hindi nagbabayad ng utang

Yan tayo e. Lakas mangutang di naman pala babayaran. Magbayad ka kahit pakonti konti. Kailangan nila ang pera pero di lang nagsasabi sayo. Mangako ka at gawin mo. Minsan nahihiya lang magsabi pero dapat kusa ka na. Naaalala ka lang nila kapag may kailangan sayo. Pag wala, namatay ka na, hindi pa nila alam. Ang masakit ay nandyan lang sila pag may pera ka at pag nasalat ka, di mo sila makikita. Ang matindi pa ay nabigyan mo na, madamot ka parin daw dahil di mo sila napagbigyan. At ang pinakamalupit, hindi marunong magpasalamat man lang pagkatapos nang iyong pagpapagod at pagsasakripisyo. Oo hindi yun required.. Isa lang yun sa good manners na hindi natutunan ng iba.
 

image from: quotesrp.blogspot.com
 
Babala: Iwasan mangutang hangga’t maaari.

8. Walang disiplina

-mula sa basura hanggang sa pagtawid sa kalsada wala talagang disiplina karamihan ng pinoy. Walang pakundangan magkalat habang nasa jeep. Tambak lang ng basura kung saan maisipan. Nagkalat ang tae ng aso sa kalye. Sa pagdadrive gitgitan din at ayaw magbigayan. Laging hinahabol ang traffic light. Hindi na sinusunod ang batas, binabastos pa. Walang wala pa tayo sa kalingkingan ng mga malilinis na bansa. Kung iiimplement ang higpit ng Davao at Subic sa buong Pinas ay baka may pag-asa pa. Itigil na ang pangbabalahura.

Uulitin ko, madaming magandang katangian ang pinoy. Ito lang ang ilan sa dapat nating mabago. Kahit ako ay nagkakamali din kaya sama-sama natin itama ang mali natin. Sa huli, tayo rin ang makikinabang.
–Metaporista

Cover image credit: digiatto.com

Leave a Reply