Sikreto 103: Saan mo dapat ingatan ang pera mo?

Sikreto 103: Saan mo dapat ingatan ang pera mo?

featured image link source: online.wsj.com

 

 

Ito ang pangatlo sa sikreto na dapat nating malaman.

Sikreto Para Guminhawa ang Buhay


 

Saan mo dapat ingatan ang pera mo?

Congrats kung naka-ipon ka na. Alam mo ba na sa isang iglap ay pwedeng mawala yan? Surprise!

Marami na tayong nababalitaan na galing abroad na pagdating sa Pinas at wala pang isang buwan ay naghihikahos na ulit sa buhay. No choice kundi bumalik ulit para makaipon ng malaki-laki. Paulit-ulit. Uwi, gastos, lipad.

Yung mga wala naman sa abroad ay hirap mag-ipon kaya todo higpit talaga ang sinturon.

Ang problema sa mga nagtagumpay mag-ipon ay hindi nila ito naiingatan. Hindi lang sa magnanakaw, snatcher, holdaper at budol-budol gang ang tinutukoy ko kundi yung mas malala pa dun.

  1. Ilagay sa bangko
    1. Kung wala kang safety vault na fire proof, ilagay mo sa bangko. Mataas ang tiyansa na manakawan ka kung sa cabinet mo lang ilalagay o sa ilalim ng kama mo lang ilalagay ang pera mo.
    2. Hindi ko sinasabing safe sa bangko pero di hamak na mas safe ito kesa itago mo ito sa bahay. Marami ring mga sindikato ang nagnanakaw sa ATM at nanunutok ng baril habang nagwiwithdraw sa ATM. Kaya ang pinaka-safe ay ang paggamit ng pass book o bank book. Kung gusto mo ay magpagawa ka ng hiwalay na account para sa ATM para lang sa emergency o biglaang withdrawal.



  2. Wag isugal
    1. Kapag lumolobo na ang pera sa bangko, medyo nagpapabanjing-banjing na sa ipon lalo na pag wala kang goal. Ang iba, dahil sobra ang pera ay binibili ang matipuhan kahit hindi kailangan at ang masaklap, pinangsusugal ng mga tao.
    2. Bukod sa walang maidudulot na maganda ang sugal sayo personally, automatikong winawaldas mo lang ang pera mo. Sabihin nating sinwerte ka sa una, sa huli, pag tumagal, matatalo ka lang. Ang sugal ay dinesenyo para kunin ang pera sa mga tumataya at hindi dinesenyo para mamigay ng pera. Kung seryoso ka sa pag-iipon, layuan mo ang sugal kahit ang katuwiran mo ay isa lamang itong libangan.
  3. Wag magpautang sa kamag-anak
    1. Hangga’t maari ay iwasan mo yan. Away at tampuhan lang ang idudulot niyan. Magbigay ka na lang ng kaya mo kesa umasa ka pang babayaran ka nila. Sabi nga ni Rizal, ang pinakamahirap at matigas na ulo daw na pasyente ay ang mga kamag-anak. Parehas din yan pagdating sa utang. Hindi mo sila masingil dahil alam mo ang kalagayan nila. Kahit anong parinig mo na “Wala na akong pera” ay wala yang pakiramdam. Patay malisya. Gustong-gusto mo na singilin pero ayaw mo lang makasakit ng damdamin kaya ikaw naman ang magigipit at masisira na ang mga plano mo.
  4. Wag mag-invest sa mga negosyo na wala kang alam
    1. Networking
      1. Lalapitan ka na nila dahil alam nilang may pera ka. Ok ang networking dahil may pera talaga dyan kung masipag ka.. PERO.. Alamin mo muna ang kompanya at ang mas MALAKING PERO.. Kilalanin mo muna ang sarili mo. Kung mahiyain ka at alam mo naman na wala kang kakayahan makapang-engganyo at wala kang kapal ng mukha na manlibre ng kape o mang-inasal para offeran sila na sumali sayo at maging downline mo ay mas mabuti pang wag mo na yan pasukin. Ibigay mo na lang yan sa kanila. May mga tao talagang talented diyan at kung hindi ikaw yun, hayaan mo na silang yumaman at yumaman ka na lang sa ibang paraan. Mag-ingat lang dahil madaming manloloko at nagkakaroon ng kotse sa loob ng 3 weeks. Wag mong ilagay ang ipon mo dahil sa kanilang pangako at pang-eencourage sayo na kaya mo rin na abutin ang mataas na rank dahil nasayo ‘kuno’ ang characteristic ng isang magaling na marketer at kailangan mo lang daw ng practice. May mga commission pa at incentives na nakakasilaw. Mabubulag ka at manghihinayang na sana inipon mo na lang ang pera at ginastos sa makabuluhang bagay.
    2. Investment/Kakilala scam
      1. Maraming mga taong lalapit sa iyo na aakitin kang mag-invest kuno sa itatayo nilang negosyo at magiging kasosyo nila. Malaki ang kitaan kaya medyo masisilaw ka din.
        1. Kung professional ang kasosyo mo at may magandang reputasyon at nasa linya niya ang papasukin niyong negosyo, ok yan pero suriin mo muna maige
        2. Kung wala namang alam talaga at nagrurunong-runungan lang pero di mo matanggihan agad dahil malapit sayo ay wag na wag kang mag-iinvest dyan. Wag mong ipagkatiwala sa magsasaka ang panghuhuli ng isda sa dagat at wag mo rin itiwala sa mga mangingisda ang pagtatanim ng bigas.
  5. Ituloy ang pag-iipon
    1. Para masiguro mo na safe ang ipon mo ay lagi mo itong kumustahin at lagi mong dagdagan. Hindi mo alam kung kelan aatake o makakalusot ang mga gustong humatak sayo pababa kaya dapat lagi kang alisto.
  6. Insurance
    1. Mahalaga ang health insurance at isa rin yan sa magandang investment. Hindi mo alam kung kailan ka maaaksidente o magkakasakit. Pero ang sigurado, bago ka mamatay ay meron at meron kang mararanasang aksidente kaya mas mabuti kung nakakasiguro ka na insured ka. Pag hindi ka insured at malala ang aksidente mo, sa isang iglap lagas ang ipon mo. Dahil tao ka lang, siguradong magkakasakit ka kaya kung kaya naman ay magpa-insure ka na. Aralin lang maige ang coverage para di ka maghabol sa wala.
    2. Car accident insurance ay mahalaga pag may sasakyan ka. Kahit maingat ka magmaneho, kung ang iba naman hindi, lugi ka pa rin. Kaya bukod sa maging maingat sa kalsada ay tiyakin din na insured ang sasakyan mo. Lagas ang pera mo pag nakabangga ka ng Mercedes o BMW.

Ingatan ang ipon. Wag mong hayaan mawala sa isang iglap ang pinaghirapan mo.


 

Next article:

Sikreto 104: ano ang epekto ng pagiging masunurin?

Main link:

Sikreto

Leave a Reply