Review: Pili-Pinas Debates 2016

Review: Pili-Pinas Debates 2016



Swabe at patas ang pagkaka-ayos ng debate na ginawa ng GMA at Philippine Daily Inquirer. Akala ko ay itutuloy nila ang pagdagdag ng isa pang oras na sinuggest ni Mayor Duterte. Bitin ang oras kung tutuusin. Bitin dahil gusto pang malaman ng mga mamayan ang mga sentimiento ng 5 kandidato.

Una ay maraming salamat kay Binay, Miriam, Duterte, Poe at Roxas sa pagdalo sa ganitong klaseng debate. Sana ay laging mayroong ganito tuwing magkakaroon ng eleksiyon sa pinakamataas na posisyon. Hindi lahat ng kandidato ay may pinansyal na kakayahan para maipahatid sa buong Pilipinas-maging sa buong mundo- ang kanilang saloobin. Sa ganitong paraan, mabibigyan ng tyansa ang lahat ng kanditato na mailatag ang kanilang sarili. Salamat din ng marami sa comelec.

—-

Binay

Halos ang nilatag ni VP Binay ay ang nagawa niya nung siya ay nasa Makati. Pinilit niyang malinis sa droga ang Makati at naiangat na niya ang antas ng pamumuhay ng mga taong kanyang nasasakupan ayon sa kanya.

Political will at aksyon daw ang kailangan. Pinaliwanag rin niya na nakuha niya sa kanyang nanay at tatay ang ilan sa kanyang mga kayamanan.

Miriam

Matindi talaga si Sen. Miriam. Lumutang ang kanyang katalinuhan kahit medyo kinakapos na siya sa hininga. Sa kanilang 5, si Miriam ang may pinaka-matinding track record at accomplishments kaya lubos din ang paggalang sa kanya ni Mayor Duterte at Sen. Poe. Alam niya ang ugat ng mga problema kaya madali niyang nakikita ang kasagutan. Realistic ang kanyang approach at hindi day dream na solusyon. Mataas ang kanyang pagtingin at paggalang sa ating batas.

Mukhang seryoso siya na ipagpapatuloy niya ang laban pagkatapos makarecover sa stage 4 lung cancer. Wala halos maipukol sa kanya maliban sa kanyang kalusugan na ipinapiwanag niya na wala namang batas na nagsasabing bawal tumakbo ang may sakit.
Duterte

Straight forward ang mga sagot ni Mayor. Federalismo ang inilatag niyang solusyon sa kapayapaan sa Mindanao. Krimen, droga at korupsyon din ang sentro ng kanyang mga salita. 

Kinuwestyon ang kanyang pagiging chickboy at pagiging huwaran sa kabataan. Makikita rin na hands on talaga si Mayor sa pagpapatakbo ng kanyang lungsod dahil mapapansin sa sagot niya na directly at physically involved siya sa paghawak mula sa ordinaryong mamamayan at kabuuan ng bansa. Napuri rin siya ni Miriam sa kanyang paglaban sa korapsyon.

Lumutang ang pagiging mapagpakumbaba ni Mayor noong umaayon siya sa sinabi ni Miriam maging noong pinaliwanag ni Mar yung solusyon niya sa mga mangingisda. Binanggit ni Mayor na baka kopyahin niya ang paraan na inilatag ni Mar.

Poe

Sa sobrang galing magsalit ni Sen. Poe ay napagkakamalan siyang nagmemerorize ng mga linya. Malinaw at matalas ang isip ni Poe kahit ganun na lang ang paghamak sa kanyang resume. Nakakagulat ang pinakita niyang  pagsagot dahil lumabas na ang katalinuhan niya. Inaddress niya ang LGBT, kanta ni Glock 9 at mga taga-Mindanao. Marami ang nanghahamak sa kanya ngunit sa debateng ito ay lumabas na mas mahusay siya kay Binay at Mar.

Roxas

Obvious na mataas ang experience ni Mar sa pamumuno at pagsasalita sa publiko. Sa sobrang husay ng delivery ay para siyang nasa sona at nagdadayalogo. Hinubog na ba siya ng panahon o talagang dramatic talaga ang kanyang estilo? At ang nilalaman? Kayo na ang humusga.

Diretso banat agad si Roxas sa kanyang paunang salita. Lumabas ang kaniyang taktika at expertise: ang pamimilay sa kalaban para siya ang manatiling nakatayo. Ipagpapatuloy niya raw ang daang matuwid at pag-iigihin pa.

——

Kung iraranggo sa mga sagot at performance IMO:

Top 1 – Duterte & Santiago

Top 2 – Roxas

Top 3 – Poe

Top 4 – Binay

——

Nakinabang silang lima sa debateng ito pero higit na nakinabang ang buong sambayanang Pilipino.

Nagbago ba ang manok mo pagkatapos ng debate? May napili ka na ba?

6 na taon ang ating titiisin pag may naupong hind karapat-dapat.

Napanood mo na ba ang debate?

I-click ang link sa baba para mapanood ang debate

https://metaporista.com/2016/02/21/gma-news-pilipinas-debates-2016-2/

   
    
   
Images from: Philippine Star

Leave a Reply