Salain Ang Kandidato- Epekto ng Multi-Party System

Salain Ang Kandidato- Epekto ng Multi-Party System




Image from wikipedia

——

Tingnan natin yung larawan sa taas. Yan yung history ng party list system sa ating bansa. Nagsimula tayo sa Third-Party System at naging Two Party System na kung saan, sa dalawa o tatlong partido lang pwede magmula ang mga mamumuno sa atin. At dahil nga Multi Party System naman ang sinusunod ngayon, dumami na ang mga Party List. Bakit nga ba dumami? Sagutin natin mamaya.

May tatlong party kunwari na nakatatag sa ating bansa:

Pedro Party

Juan Party

Berto Party

Hindi lang sila bumuo ng grupo dahil sila ay may kanya-kanyang kaibigan at kakilala kundi nabuo sila dahil may pare-pareho silang ideolohiya, prinsipyo at pamamaraan. Kung ikaw ay politiko at sang-ayon ka sa prinsipyo ng Juan Party ay hindi ka gugrupo kay Berto Party dahil tiyak na hindi kayo magkakaroon ng paniniwala na nakalinya sa grupo mo.

Ang isa sa magandang bagay kapag tatlo o dalawa lang ang mga Party ay nasasala nila kung sino ba ang kanilang manok na panlaban sa pagkapangulo, bise, senator atbp. Sa Pedro Party, pagsasabungin nila ang kani-kanilang manok para makapili sila ng pinakamagaling, pinakamatalino at pinakakarapat-dapat sa posisyon. Ang mapipili nilang tatakbo sa pagkapangulo ay yung kanilang Top 1 dahil pag di nilaban ang pinaka-magaling nila, liliit ang tiyansa nila na masungkit ang mga pwesto. At dahil hindi magpapatalo ang Juan at Berto Party, pipili din sila ng kanilang pinakamagaling na pambato sa pagkapangulo, bise, senator atbp. Kapag natapos ang eleksiyon, kahit sinong manalo, ay walang ibang makikinabang kundi ang buong sambayanang Pilipinas dahil tiyak na ang maluluklok ay yung mga pinakamagagaling sa bansa.

Bakit nga dumami ang mga partido?

Nagkaroon ng pilian ang Berto Party sa pagkapangulo at ang huling lumusot sa salaan ay sina Berto at Karding. Pagkatapos ng deliberasyon ay napagkasunduan nila na si Berto ang tatakbo. Nagtampo si Karding kaya ang ginawa niya ay bumuo siya ng bagong grupo na pinangalanan niyang Karding Party. Pagkalipas ng panahon, ganun din ang nangyari sa iba. Maraming gustong tumakbo sa pagkasenador pero hindi nagkakaroon ng tiyansa kaya sumasali o bumubuo sila ng bagong grupo.

Ang epekto ng Multi Party, maraming pulitiko ang mapagpipilian. Yun ang mahirap dahil ang mga pagpipilian natin ay hindi salang-sala dahil yung iba, nakiusap lang na tumakbo, sikat na personalidad at malakas ang koneksiyon. Walang screening na naganap. Sila ang nakikinabang at hindi ang mga botante. Ang katunayan, hindi sila sumasama sa Party dahil sa paninindigan sa idelohiya kundi dahil mas mataas ang tiyansang manalo sukdulang magpalipat-lipat siya ng party na kung saan malakas, dun siya. Tanggal ang prinsipyo at walang paninindigan.

Ok naman ang Multi-Party System pero sana ay limitahan lang ito sa tatlo (Third-Party System) at mas maganda kung dalawa lang (Two Party System) para salang-sala na ang pagpipilian ng Pilipino para kahit sinong mahalal ay aabante ang Pinas.

Sa ngayon at sa paparating na halalan, hahatulan natin ang mga kandidato. Tandaan mo na ang pagpipilian mo ay hindi pa salang-sala kaya maging matalino sana tayo at tayo na mismo ang sumala. Isa sa masamang epekto ng kalayaan natin ay may karapatan tayong maghalal ng boksingero, broadcaster at DoJ secretary na may selective justice.
-Metaporista

Leave a Reply