Paliwanag kung bakit posible ang pagbabago sa 6 na buwan

Paliwanag kung bakit posible ang pagbabago sa 6 na buwan

Eksena: Aftermath ng Halalan

Tapos na ang halalan 2016. Tuluyan nang napalitan ang titulong Mayor. Pagkalipas ng matinding laban, sa wakas, ang hatol ng taong bayan, Pangulo na ng Pilipinas si digong.

Korapsyon

Putulin ang ugat.

Kakausapin ni Digong ang mga politiko at ieencourage na ilabas ang lahat ng yaman at ari-arian sa publiko. Choice nila kung papayag ba sila o hindi. Pero pag di ka pumayag, pagsususpetsahan ka na. Sisimulan sa taas ang kasunduan. Simula sa araw na ito, isang mortal na kasalanan ang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Kung hindi sila titigil, sa kanilang kalokohan, no choice kundi ilapat ang batas sa kanila. I-expect na din natin na itataas ni Duterte ang sweldo ng mga politiko. Wag tayong magalit kung gagawin niya yun. Mas ok na malaki ang kita nila para hindi sila ma tempt na magnakaw at humingi ng kickback na milyon-milyon. Darating ang panahon na ang pagiging mayor, gobernador,  congressman at senador ay hindi na magiging pigaan ng pera. Pag-aagawan na ang mga pwestong ito hindi para yumaman kundi dahil isang napakalaking karangalan na ang maging pinuno ng bansa. Tataas ang tingin at paggalang ng mga tao sa mga nanunungkulan.

Itataas ang suweldo ng teacher, pulis at sundalo para naman magkaroon ng disenteng pamumuhay. 

Lilinisin lahat mula sa head ng kapulisan at kasundaluhan. Kapag yung under mo ay nangotong o may ginawang kalokohan, hindi lang yung nangotong ang tanggal kundi buong line up hanggang sa head.

Ngayon, kung ikaw ay isang pulis at sapat na ang kita mo, gagawa ka pa ba ng kalokohan para i-risk yung trabaho at kabuhayan mo? At kung ikaw yung head sa isang lugar, hindi mo ba seseryosohin ang pagbantay sa mga tao mo kung matatanggal ka sa pwesto dahil sa kagagawan ng mga ‘bata’ mo?

Mumura ang bilihin pag walang nangongotong sa mga magsasasaka. Gaganda ang buhay ng mga magsasaka kung hindi na tatanggap ng lagay yung mga nasa pwesto at nagpapalusot ng mga sibuyas galing China. Bakit tayo nag-iimport kung kaya naman ng mga magsasaka natin ang magsupply? Dahil may lagay. Korapsyon.

Linis ang korapsyon mula sa taas hanggang sa baba. Alam na ni Digong kung sino ang mga target na kakausapin niya o papalayasin sa bansa. Within 3 months kung maiimplement ang sistema, ramdam agad ang pagbabagong ito.





Droga

Putulin ang ugat.

Kalat na ang droga sa buong Pinas. Paano mo tatapusin ang droga within 6 months? Parang ang hirap dahil halos kada kalye ay may gumagamit na ng ipinagbabawal na gamot. Simple. Targetin yung mga supplier at nag mamanufacture ng droga. Yung mga small time kumukuha yan sa taas. Siguro may stock yung mga yan ng pang isang buwan pero pag wala na silang makuhanan, maglalaway na yang mga mga yan. Halimbawa, 3 milyon ang gumagamit. 300,000 ang small time pusher sa eskinita. 3,000 ang distributor. Pero yung planta o yung main supply ay nasa 300 lang. Imbis na targetin mo yung 3 million na user, targetin mo yung 300 na planta. Mas mabilis yun. PERO mas mahirap. Bakit? Yung 300 na yun, ang backer nun ay politiko, pulis at big time na mga businessman. Paano mo sila kakantiin kung walang bayag ang Pangulo? Bakit hindi yan magawa dati pa dahil wala ngang lider na may bayag.

Kasabay sa pagsugpo ng droga sa Pilipinas ay pagcontrol ng mga imported na droga mula sa China at Malaysia na nakakalusot na walang hirap. 

Hindi yan totally masusugpo dahil meron at merong lalabag sa batas. Pero mararamdaman agad yung pagbabago. 

Kriminal

Putulin ang ugat.

Yung mga snatcher at holdaper ay labas-masok lang sa kulungan. Bakit? May backer na pulis. May kilalang barangay captain. Malakas kay Mayor.

Marami ang takot kay Duterte dahil pwede raw mamatay ang kahit na sino. Extra judicial killing etc. Baka magkamali raw ng bintang at taong pinaghinalaan. Tanong lang, gaano kataas ang posibilidad na mangyari yun? Mas mataas ang posibilidad na masaksak ka sa kalye kesa magkamali sayo ng bintang. Ang natatakot lang sa ganito ay yung mga palihim na nagrerebelde. Yung mga inaabuso ang freedom of speech para makapanira. Yung mga taong takot na hindi na nila mamamanipula yung kanilang mga tagabasa at mga consumer. Yung mga lalaking walang bayag na sinusuportahan ang dilaw dahil sang-ayon sa kanila yung pananaw ni Robredo o ni Roxas. Yung mga ginagawang libangan ang rally at bigla na lang lilitaw habang nag-ispeech sa graduation. Yung mga direktang nakikinabang sa mga dilaw. Yung mga mayayaman at elitista na hindi naman nakaranas na lumaki sa hirap at takot mamatay at mapagbintangan na ang tingin nila sa sarili ay sila na ang pinakamadunong. Hindi nila alam yung takot na gumising sa kinabukasan dahil wala ng maipapakain sa anak. Hindi nila alam yung nararanasang takot ng mga middle class na maholdap habang nagcocommute at mawalan nanaman ng trabaho after 3 months dahil sa contractualization. Sila yung tipong pag nanalo si Duterte ay  magpapalaganap sila ng krimen para lang masabi na puro pangako lang si Duterte. Sila yung konting kibot ay parang niliyaban na ang pwet sa pagrereklamo. Hindi nila matanggap na hindi nanalo si Roxas at mawawala na ang pansarili nilang kapakinabangan. Gagamitin nila ang pwersa at impluwensya na palabasin na sablay si Duterte. Sila yung inuuna nilang mahalin ang sarili nila kesa yung bayan. Sila yung takot mag ulam ng asin sa kanin. Sila yung humihingi ng kalayaan para sa kanilang pansariling kasiyahan. Nakalimutan nilang mas mahalagang palayain sa kahirapan, kagutuman, , monopolyo, traffic at krimen ang taong bayan. Within 6 months ay mararamdaman natin ang pagbabago.

Gusto ni Digong na iestablish ang sarili niya. Kung hindi siya susundin ng mga tao sa first 3 months ay hindi na siya susundin sa natitira pang mga taon. Dapat may paninindigan. At ang mahalaga ay magkaroon ng tiwala ang mga tao sa lider.
Kung makikipagkaisa ang lahat at susundin si Duterte, pagkalipas ng anim na taon ay masasambit natin na ‘Pilipino ako!’. Babalik na ang pride natin dahil sa pagkakaisa at hindi dahil lang nanalo si Pacman sa boxing o bumalik si Yolanda.

Anong klaseng Pilipino ka ba?

Pilipinong bastos sa watawat? Pilipinong hindi na kabisado ang lupang hinirang at panatang makabayan? Pilipinong nagkakalat ng basura sa kung saan? Pilipinong magnanakaw at nagdadala ng kahihiyan sa Pilipinas? Pilipinong hindi susunod sa batas dahil hindi nanalo ang kanyang binoto? Pilipinong nagjajaywalk? Pilipinong tumatanggap ng 500 sa politiko tuwing halalan?

Oo, sa atin dapat magmumula ang pagbabago pero mahalaga ang matinong lider. Paano mo babaguhin ang bulok na sistema ng mass transportation? Paano mo babawasan ang traffic? Paano mapapabilis ang mga paglilitis? Meron tayong part na pwedeng makatulong sa pagbabago at may part din ang Presidente. Gampanan natin ng maayos ang role natin.

Panahon na para masinturon tayo. Tanda yun ng pagmamahal para di tayo mapariwara.

Ibon mang may lamang lumipad, kulungin mo at umiiyak?

Ayun, pinalaya mo yung ibon, walang makitang pagkain. Bakit? Pinalaya mo sa gitna ng dagat imbis na sa gitna ng lupa. May panahon ng tamang paglaya. Bago mo pabubukurin ang anak mo ay dapat mo munang masiguro na kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa. Kung hindi, pinalaya mo siya para magdusa. Pinalaya mo siya gaya ng Pilipinas mong minumutya.


Metaporista

Leave a Reply