Paano Tatagal si Digong?

Paano Tatagal si Digong?

Kapag ang mananalo ay Duterte-Leni, siguradong gagapang ang dilaw para mapatalsik si Digong. Pag napatalsik nila si Digong, sa kanila na ulit ang trono. Sinimulan na ni Trillanes, Roxas at maging si Pnoy. Ang dahilan, natatakot silang makukulong si Pnoy pag nanalo si Duterte bilang Pangulo.

Ang dapat malaman ng lahat ay si Cayetano o BBM sana ang dapat maging Vice ni Duterte. Kaso ang problema, walang laban si Cayetano sa survey kaya. Kaya ang pag-asa na lang para maprotektahan ng 6 years ang pamumuno ni Digong ay si BBM ang maging Vice. Bakit? Hindi gagalaw ang dilaw para mapatalsik si Digong dahil ang magiging presidente ay si BBM na mas lalong ayaw nilang mangyari. Malamang ay uunahin nilang patalsikin si BBM bago si Digong. Si Cayetano ay tiyak na may pwesto kahit matalo. Kaya nga niya sinasabi na “kahit wag niyo na ako iboto basta si Mayor iboto niyo”.

Magiging madugo ang pamumuno ni Digong. Bakit? Sasadyain ng kanyang mga nakalaban na manggulo sa lipunan para palabasin na mas lalong gumulo nung si Digong na ang namuno. Magpapakalat sila ng droga para palabasin na mas lalong lumala ang droga nung si Digong na ang namumuno.

Puro paninira at biased na reporting pa rin ang ihahain ng kanyang mga kalaban. Hihimukin na magpeople power ulit para lang matanggal sila sa pwesto.

Malilibing na tiyak si Marcos sa libingan ng mga bayani.



Marcos was one of the greatest President. Sa talino niyang taglay ay kaya niya iadministrate lahat ng sangay ng gobyerno. Effective siya at magaling siya humawak ang tao. Nagkandaloko-loko lang nung nagkaroon na si Makoy nang sakit at gusto ni Imelda na siya na lang ang mamuno. Nung hindi na nakatutok si Macoy, naggalawang hokage na ang mga cronies. Dun nasira ang pangalan ng Marcos. Itong si BBM ay hindi dapat katakutan dahil hindi siya pwede magdeklara ng martial law dahil hindi siya Pangulo at dapat may sapat na dahilan para maideklara iyon. Sa tingin niyo ba ay papayag ang taong bayan na magdeklara noon ng wala namang basehan?

Flashback bakit di agad tumakbo sa pagkapangulo si Digong. Dahil magagaya siya kay Binay na mula nung sinabi niyang tatakbo siya sa pagkapangulo ay binato na agad ng mga mabibigat na paratang. Ang dapat sana ay ilabas ang ebidensya para mahatulan. Ngayon, pagbibintangan ka tapos ikaw ang magpapatunay kung totoo ba yun o hindi. Sabihin nating totoo ang bintang. Ang problema sa kanila ay yung timing. Dahil election.

Parang kay Poe, walang tanong-tanong sa citizenship pero nung nalaman nilang hindi siya pumayag na maging vice ni Roxas at lalaban pa siya sa pagkapangulo ay biglang binuksan ang librong nakatago. Para ano? Para maeliminate sa pamamagitan ng teknikalidad. Nung nakalusot, ginawan naman ng San Miguel Conspiracy.

Nung uminit na ang pangalan ni Digong, hinalungkat na nila lahat ng pwedeng ipanira. Babae, rape issue, mura daw sa pope, bastos etc.. Nung hindi na makahabol si Mar sa survey, sineryoso na nila ang atake sa pamamagitan ni Trillanes. Ulit lang, ang nakakaduda dito ay yung timing nila. Ba’t hindi dati pa. bakit last 2 weeks bago lang mag eleksyon? Obvious reason. Paninira.

Digong at Mar ang maglalaban sa huli. Ibubuhos na ni Mar ang lahat sa tulong ni NoyNoy para siraan si Digong para naman hindi masayang ang bilyon na ginastos nila sa kampanya at puyat ni Korina. Nasa kanila ang makinarya. Na kay Digong ang tao.

Simple lang naman. Kung kuntento ka na sa buhay mo ngayon at sa pamamalakad ng gobyerno, iboto mo si Mar.

Kung tingin mo na hindi epektibo ang sistema ng gobyerno at tingin mo ay kailangan ng bansa ng isang matinding overhaul ay iboto mo si Digong.

Kung gusto mong maimpeach si Digong, iboto mo si Leni.

Kung ayaw mong maimpeach si Digong, iboto mo si Marcos.

Wag kang mag-alala kay Cayetano dahil magiging matalino at matapang na kanang-kamay siya ni Digong kahit hindi siya ang maging bise.

Nagsisimula sa taas ang pagbabago. Igapang mo sa local government na matino. Ituloy sa Mayor na tapat. Ideretso pa sa barangay captain na hindi kurakot. Hanggang sa kagawad na hindi lang christmas bonus ang habol. At tayo na hindi man lang marunong magtapon ng basura sa basurahan.

Power comes from unity. Ang tanging paraan para lumakas ulit ang Pilipinas ay nakasasalay sa pakikiisa ng lahat sa pagbabago tungo sa kabutihan.

-Metaporista

4 thoughts on “Paano Tatagal si Digong?

        1. Parang mga magulang lang natin yan. Kung tayo papapiliin gusto natin yung magulang na pinapayagan tayo lumabas sa gabi, makipagbarkada sa kahit na sinong gusto natin at hayaan tayong gawin ang gusto natin. Demokrasya, kalayaan.
          Pero sa huli, mas higit na mararamdaman mo ang pagmamahal sa iyo ng magulang mo kung paminsan ay hindi ka nila pinapayagan na lumabas dahil malakas ang ulan o may napabalitang nasaksak sa may kanto o may exam ka at kailangan mo matulog ng maaga.
          Mas makikita mo ang malasakit ng magulang mo na hinahadlangan ka nilang makipagbarkada sa mga adik at manginginom sa lugar ninyo.
          Mas mamahalin mo ang magulang mo kung nagbibigay sila ng payo sa mga desisyon mo sa buhay at dahil di naman hangad na mapariwara ka dahil sa mga bagay na gusto mo lang gawin.

          Sa palagay ko, ganyan din ang lagay ng Pilipinas ngayon. Oo masarap na malaya tayong lahat na nagagawa natin ang gusto natin. Nakakapag jay walk tayo at para di mapagod sa pagtawid sa footbridge. Pwede nating itapon yung basura kahit saan para wala tayong bitbit.
          Ang problema, hindi na instill sa lahat mga Pilipino ang tamang asal at disiplina gaya ng mga Japanese. May back up plan naman, at yun ay ang maghigpit at gumamit ng kamay na bakal hanggang sa ma instill at maging natural na sa mga Pilipino ang paggawa ng mabuti at disiplina.

          Best example ay yung mga sundalo natin. Pumasok ang mga yan na walang disiplina. Pero lumabas sila sa kampo na bitbit a ng mataas na disiplina. Bakit? Sinanay na kasi sila doon.

          Nandito tayo stage na dapat sanayin ulit yung mga Pilipino. Tanggapin natin ang masakit na katotohanan na generally ay hindi pa tayo ready grumaduate/lumaya dahil hindi pa tayo nahuhubog. Kailangan natin tumapak pabalik ng konti para makabwelo. Yung ang wala tayo, bwelo. Gusto natin na lumaya agad pero hindi pa tayo marunong maglakad. Gusto nating lumipad agad e wala pa tayong pakpak. Mahina ang pundasyon ng moralidad mula sa baba hanggang taas. Gusto natin ng demokrasya at kalayaan pero hindi naman tayo marunong magpalaya sa ating sarili. Kaya mo bang palayain ang sarili mo sa kahirapan at pangamba?

          Tanggapin natin na may masamang epekto ang kalayaan. Ang kalayaan ay dapat lang na ibigay sa mga may kakayanan ng lumaya gaya ng pagbibigay ng diploma sa karapat-dapat grumaduate.

          Kahit sino ang maging pangulo ay may posibilidad na umabuso sa authority. Nasa leadership skills na yan at sa tunay na malasakit nagtatalo.

          Opinyon ko lang hehe

Leave a Reply