Duterte Series: Complete – Du30 to Du39

Duterte Series: Complete – Du30 to Du39

Si Du30 ay siniraan at minaliit pero lumabas na siya pa rin ang napili ng mga nakararaming tao na mamuno sa ating bayan. Du31 sa 2016 election at lamang siya nang mahigit 6 na milyon kay Mr. Roxas.

Ilan sa mga kandidato sa pagka-pangulo ay nagconcede na at nangakong makikipag tulungan sa paparating na bagong administrasyon. Natuwa sa kanilang pagpapakumbaba ang mga tao and Du32.

Ang ibang mayayaman ay ayaw sa kanya dahil muka raw siyang hindi presentable sa international community. Simple lang kasi siya. Nung isang beses tinanong siya na ‘kung mamamatay ka at mabubuhay ulit, anong gusto mo maging?’ Sumagot siya na ‘Gusto ko yung makakatulong sa tao, yung mapapakain ko sila, mabibigyan ko sila ng tirahan, masasandalan nila sa kalungkutan at masisilungan pag dumating ang ulan sa kanilang buhay. Gusto ko maging pag-asa nila. Gusto ko maging isang puno at tatawagin akong Du33. Ayaw ko maging sampaloc tree dahil makalat ang dahon nun.’

Nagkalat sa buong Pilipinas ang boto. Bagaman medyo kapos sa budget, nakuha niya pa rin ang loob ng mga tao. Ang mga naniniwala sa kanya ang ginawa niyang makinarya ng pagbabago. Kahit hindi niya inabutan ng 500 pesos, ang sigaw pa rin nila ay ‘Du34 President!’.

Nakilala siya sa pagiging Mayor sa Davao City sa loob ng mahabang panahon. Du35 the way to protect Davaoeno’s mula sa mga malalaking sindikato. Nagfocus din siya sa pangangalaga ng kapaligiran at espesyal na paglingap sa mga kababaihan at may kapansanan. Marami siyang napagtapos sa pag-aaral at laging nariyan sa panahon ng sakuna.

Most of the investors ay lalong nanabik na ipunla ang pera nila dito. Mas magiging safe na ang bansa natin at bibilis ang progreso dahil Du36 advice ng mga experts at loyal sa bayan kung paano mas magiging epektibo ang kanyang pamumuno.

It is clear that Du37 us from corrupt leaders at mapang-abuso sa kapangyarihan. Sana lang ay makipagkaisa ang lahat kahit maka-Binay ka man o maka-Roxas para magbago. May kasabihan na kung sino ang marunong tumanggap ng pagkatalo ay siyang tunay na malakas.

Du38 his words nang tumakbo siya sa pagka-pangulo ng Pilipinas. Noong una kasi sinabi niya na wala siyang interest na makilahok sa agawan sa pinakamataas na pwesto. Ngunit dahil nakita niya na walang ibang paraan para masagip ang bansang papalubog, napilitan narin siyang tumakbo.

Du39 zu drogen campaign meaning ‘no to drugs’ sa german, ang pinaka naging dahilan kung bakit siya nakilala. Oo mahalaga ang edukasyon. Pero hindi sapat yun kung ang gagraduate ang anak mo at sasaksakin lang ng mga sabog sa droga sa kanto niyo habang pauwi bitbit ang unang sweldong pang-ahon ninyo sa kahirapan.

———–

Metaporista

Leave a Reply