Open Letter to Manny Pacquiao

Open Letter to Manny Pacquiao

An Open Letter to Manny Pacquiao

 

Sen. Manny,

Kumusta? Balita ko may balak ka nanaman lumipad para lumaban ah? Di na ba magbabago ang isip niyo?

Milyong tao sa loob at labas ng Pinas ang bumoto sa inyo para maging senador kayo. Karamihan sa kanila ay nagtiwala sa pagsisikap niyo, malinis na puso at hangarin na mapagsilbihan ang bansa kahit kayo ay isang boksingero at hindi pulitiko.

Maraming bumoto sa iyo dahil inakala nilang sisikapin mong bumawi sa iyong kahinaan sa pamamagitan ng pagsulong ng mga batas na tutulong hindi lang sa mga atleta kundi para sa mga mamamayang Pilipino.

Nakapag sponsor ka raw ng 15 house bills nang ikaw ay congressman pa. Ok sana kaso walang pumasa dahil sa dami ng mga absent mo sa plenaryo at walang kang oras na ipagtanggol ito at mapaabot sa 3rd reading para madala sa senado.

Sen. Manny, nagsisimula na magbago ang Pinas sa pamumuno ni Duterte. Sana ikaw rin.

Kung ang dahilan mo sa pagbabalik sa ring ay para sa ‘Karangalan ng Pinas’, sinasabi namin sa inyo, sapat na ang karangalang hinatid mo at salamat sayo. Mas masaya kami kung magreretiro ka na dahil pinili mo na ang maglingkod sa bayan. Pinagbigyan ka na ng mga tao noong Congressman ka dahil gusto nilang madurog mo si Mayweather. Pero ngayon, di ka na namin pagbibigyan.

Kung ang dahilan mo sa paglaban ay para kumita ng pera, sana di ka na lang tumakbong senador at nagboxing ka muna hanggang sa tumanda ka. Ang senado kasi ay naglilingkod sa bayan para umangat ang bansa. Mali ata ang ring na pinasukan mo. Kinakapos ka na ba sa pera? Mukha namang hindi. Baka gagamitin mo ang perang mapapanalunan mo para itulong sa mahihirap? Pwede ka naman tumulong kahit di ka senador. Ang pinag-uusapan dito ay sayang ang slot mo sa senado kung hindi ito magiging productive.

Kung ang Presidente ng Pinas ay walang tigil sa pagkilos, dapat ikaw. Sulitin mo ang bawat oras bilang senador.

Dapat ikaw na rin ang kusang tumigil sa boxing. Kung di ka mapigil at di mo maiwan ang boxing, lumayo ka na sa pulitika.



Tutuloy ka ba talaga? Risky move yan. Baka mangalahati ang bumoto sayo sa susunod mong pagtakbo. Isa pa, isa ka na sa high ranking officials at walang kahit isang Pilipino ang gustong makitang durog ang mukha mo at pwede mong ika-stroke at ikamatay. Sasayangin mo ang boto sayo? Ang boto mo na natanggap ay boto ng mga tao kung gusto ka nila magtuloy sa boxing. Kaya ka nanalo sa senado ay ginusto ka nilang tumigil na sa boxing.  Hindi ka nila pananalunin. Sa senado kung gusto ka pa nilang lumaban.

Tama na Manny. Mahalin mo na lang si Jinkee at mga anak mo. Paglingkuran mo na lang ang taong-bayan at patunayan mo na hindi nasayang ang boto nila sayo.

 

 

Nagmamahal,

Tito Sotto ng Eat Bulaga

Leave a Reply