Inquirer: ‘So saang parte dun ang nakakaiyak sa SONA ni Duterte?’

Inquirer: ‘So saang parte dun ang nakakaiyak sa SONA ni Duterte?’

‘So Anong nakakaiyak dun?’

O

‘So saang parte dun ang nakakaiyak?’

Wala bang kinikilingan ang Inquirer? Sa post nilang ito, obvious na meron.

Nakalimutan nila ata na ‘beauty is in the eye of the beholder’. Hindi porket maganda sayo ay maganda na sa iba. Hindi porket hindi nakakaiyak sa iyo ay hindi na rin nakakaiyak sa iba.

Parang badtrip sila kay Andanar dahil sinabi raw nito na napaiyak siya nung mabasa niya ang SONA ni Pres. Duterte. E sa yun ang naramdaman niya. Anong magagawa mo? Kung para sayo ang maganda ang syota mo, para sa iba pangit yan. Hindi naman sinabi ni Andanar na mapapaiyak tayong lahat. Sinabi niya lang na napaiyak siya. Baka dahil sa naramdaman niya ang sincerity. Syempre pag binasa mo ang original script ay wala yun halong patawa at adlib. 

Pero kung walang kinikilingan o kung hindi kulay dilaw ang puso mo ay mararamdaman mo ang sinserong mensahe niya sa mga para sa mga Pilipino.

Hindi mo kailangan maiyak para maramdaman ang tunay na malasakit.

Siguro hindi ka natinag. O baka ayaw mo lang magpatinag. May sundot ka pang ‘Chief executive who has a habit of ditching’.

Payo lang. Kung nasa media ka, mag-ulat ka lang na hindi bias. Wag laging hanap-butas. Ang laking bagay nang salitang ‘so’. Kung ayaw mong makakita wala kang makikita. Kung ayaw mong makarinig wala kang maririnig. ‘Many people asked’ daw. Ang magtatanong lang naman at maghahanap nang mga nakakaiyak na parte ay yung hindi maka-move on na panalo si Duterte sa pagka presidente at siyempre, yung mga media na gustong siraan si Andanar. Matutong tumanggap sa pagkatalo. Gusto niyo ata palitan si Andanar e.

Leave a Reply