Survey: Duterte Administration Issue

Survey: Duterte Administration Issue

Maselan ang usapin kapag buhay at karapatan na ang usapan. Sino ba naman tayo para humusga kung sino ang dapat mamatay at mabuhay. Oo masama ang pumatay. Pero minsan, kaninong buhay ang matimbang? Buhay ng mga kriminal na pumapatay o buhay ng mga inosenteng napapatay?

Pakisagot ang survey sa baba para malaman natin ang opinyon ng mga tao tungkol sa mga nagaganap ngayon sa ating bansa.

Minsan para mamunga nang sagana ang puno ay dapat mong tanggalin ang mga bulok na sanga at puksain ang mga peste. Minsan para magtuloy-tuloy sa pag arangkada ay kailangan mong umatras nang kaunti para makabwelo.

Sa mga hindi nakaka-appreciate sa effort nang ating pangulo, nakakaawa kayo. Hindi niyo madistinguish ang tunay na pagmamahal sa hindi. Ang pakitang tao sa hindi. At kung sa tingin niyo ay mas kaya niyong pangunahan ang pagbabago ay tumakbo kayo sa pagkapangulo.

Baka may kakilala kang makadilaw noong halalan at kaibigan mo sa facebook na walang ibang gawin kundi silipin lang ang ‘masasamang balita’ tungkol sa presidente. Masyadong napaghahalataan. Wag niyo sila pansinin dahil may karapatan silang ipahayag ang kanilang damdamin. Antayin niyo na lang ang panahon na hindi na nila matago sa sarili ang kanilang pagkamangha sa ating pangulo.

Kung ipapatumba nila si Duterte, sa tingin ninyo ay makakatakas pa tayo sa nanlalamong problema sa droga? Sana oo. Pero sa tingin ko, hindi yun darating hangga’t walang kakaibang tapang at talino ang papalit sa kanya.

Ang maganda sa kanya, wala siyang kulay. Hindi siya dilaw, orange, puti o asul.

Pinapanagot niya lang ang dapat managot kaalyado man niya o hindi. At sinisimulan na niya ang paggamot sa pagkakabaha-bahagi ng mga Pilipino.

Sana isantabi natin ang interes na pampulitika. Tsaka na tayo bumalik sa ating kanya-kanyang kulay pagkatapos ng crisis sa droga at corruption. Pagtulungan natin ito.

Leave a Reply