Ang Tinderong May Mabahong Balde Sa Jeep

Ang Tinderong May Mabahong Balde Sa Jeep

Isang araw sumakay si Juan sa jeep papunta sa trabaho nang may makasabay silang mamang tindero na may dalang baldeng may takip na sobrang mabaho at umaalingasaw na amoy.

Di pa nagtatagal ay nagalit ang driver at tinanong niya ang mamang tindero “Ambaho naman niyan. Ano ba ang laman niyang balde?”

Sumagot ang tindero, “bakit bibili ka ba?” Hindi nakasagot ang driver.

Maya-maya ay mag-inang hindi nakayanan at nagtanong “Kuya ang baho naman niyan. Ano ba kasi ang laman niyang balde?”

Sumagot ang tindero “bakit bibili ka ba?” Hindi nakasagot yung ale.

Narinig ni Juan ang conversation nila at mas lalo siyang na curious. Pero dahil sobrang sakit na ang ilong niya, tinanong niya yung mama. “Ambaho talaga niyan! Ano ba kasi talaga ang laman niyang balde?”

Sumagot ulit yung tindero, “bakit bibili ka ba?”

Bagong sweldo si Juan kaya napaisip siya kung bibili ba siya nang biglang napapreno ang driver at tumilapon ang balde at nakita na rin nila ang laman.

One thought on “Ang Tinderong May Mabahong Balde Sa Jeep

Leave a Reply