Ang Shabu

Ang Shabu


Ang Shabu

Generic name: 

Methampethamine Hydrochloride

Palayaw:

Ice, Meth, crystal meth, tina, blade, quartz, glass at bato

Nabibili ng tingi, bulto at kada gramo. Magkano ang presyo? Depende sa buyer, lugar, kakompitensya at risk. 

Pwedeng i-inject, singhutin o hithitin.

Ayon sa businessmirror.ph, ang bentahan ng chinese cartel ay umabot sa 9 million pesos kada kilo o 9,000 pesos kada gramo kaso noong 2015 ay bumagsak ang presyo nito at naging 1,000 pesos kada gramo. Ayon naman sa Sunday Punch, ngayong September 2016 ay tumaas ang presyo pabalik sa 6,000 pesos kada gramo dahil nagkakahirapan na sa pagbili. Kung gusto mong malaman ang presyo sa lugar niyo ngayon ay pumunta sa pinakamalapit na mahjongan.

Posibleng epekto:

Hindi na makakabili ang mga adik. Kaso, pag nanginginig at tumitigas na ang panga nila, may tyansa na magnakaw sila o gumamit ng dahas para makatira o hithit. At dahil tumaas ulit ang presyo, lalong gaganahan magbenta ang pusher at drug lord dahil malaki ang bentahan. Magpapatayan nanaman ang mga druglord at mag-aagawan ng teritoryo na hawak. Pero ang mga nasa tuktok ng tatsulok ng bentahan ng shabu ay isa lang ang misyon: Patalsikin si Duterte. Pag wala na siya sa pwesto at ang papalit ay mahina ang kampanya kontra droga ay babalik na ulit ang lumang sistema.



Ayon sa US government report, 20,000 lang ang gumagamit ng shabu sa pinas noong 1972. Noong 2004, pumalo daw sa 6.7 million na ang user. (Alcoholrehab.com)





DDB.gov.ph
Pero teka, bakit ba may gumagamit ng shabu? Ano ba ang epekto nito?

Effect sa mga user (bagong tira):

Sa loob ng 12 hours ikaw ay

-Alerto.

-Focus. Makakapagconcentrate ka.

-Energetic ka.

-Excited ka sa buhay mo at bigla kang sasaya kahit tambak ang problema mo.

-Tataas ang level of confidence mo.

-Tataas ang iyong libido.

Babahain ang brain’s receptors ng monoamines. Kapag nakailang gamit ka na, mamamatay ang receptor na ito at hindi ka makakaramdam ng pleasure kapag hindi ka titira. Kaya maraming naaadik. (Drugs.health.gov.au)
Eh ano naman ang masamang epekto?

Negative effect sa mga user (long term) drugabuse.gov:

– Nakakaadik

– di mapakali

– confused sa mga bagay-bagay

– di makatulog

– moody

– violent behavior

– paranoia

– may naririnig at nakikita sila na hindi naririnig at nakikita ng iba (third eye-vincent at third ear-yomi)

– nakakaramdam na parang may gumagapang daw na insekto sa balat nila

– repetitive motor activity (dila o galaw ng leeg)

– madaling madistract

– malalang dental problem. Tuyo lagi ang bibig at kinakaskas ang babang ngipin sa taas na ngipin sa pamamagitan ng paggalaw ng panga pakaliwa at pakanan.

– Weight loss

Kapag bigla silang tumigil (withdrawal), makakaranas sila ng depression, anxiety, fatigue at hahanap-hanapin nila ang shabu. 

Sa mga gumamit na hindi pa ganun kalala, may pag-asang bumalik sila sa normal pag tumigil sila ng 14 months


Ano ba ang sangkap ng shabu?

Ingredients (vinensia.com)

1) Hydriodic Acid 

– Ihalo mo yung red phosporus (yung pula sa dulo ng posporo) sa iodine at makakagawa ka nito. Habang ginagawa ang proseso ay makakaproduce ka ng phosphine gas na sobrang delikado pag nalanghap mo.

2) Iodine

– Kailangan mo ng halos apat na bote para makagawa ka ng 2 hanggang 3 gramong shabu. Pag mataas ang dosage mo nito ay makakasama ito sa function ng thyroid mo.

3) Brake Oil

-Oo. Maniwala ka man o hindi, isa yan sa mga sangkap ng shabu. Ginagamit pangprotekta sa pangangalawang at pampadulas. Halos parehas sila ng pang-anti-freeze sa radiator. Toxic at halos isang daang taon bago magdecompose.

4) Ephedrine

-Pampalinis ng ating sinuses. Sangkap ito sa mga gamot sa asthma at lagnat. Bukid sa pampalinis ng sinuses, may side-effect ito na magrerelease ng dopamine sa ating utak.

5) Lighter Fluid, Butane

– Oo. Yung laman na gaas sa lighter mo. Yung nagliliyab.

6) Hydrochloric acid

– Ito yung asido sa bituka natin. Pag pinatulo mo ito sa balat mo ay siguradong sira ang kutis mo (kaya nga nakatago lang sa bituka). Ginagamit ito pantanggal ng kalawang sa bakal.

7) Drano 

– Kombinasyon ng Sodium Hydroxide at tubig. Ang sodium hydroxide ay ginagamit sa paggawa ng biodiesel. Pinangtatanggal din ito ng dugo sa kalsada pag may naaksidente.

8) Ether

– Ginagamit itong tranquilizer sa mga inooperahan. Kapag nasinghot mo ito, pwede kang maoperahan na hindi ka masasaktan dahil may hypnotic effect ito.

9) Anhydrous Ammonia (Farm Fertiliser)

– one part nitrogen at 3 parts hydrogen. Sobrang tapang nito at makakasira sa balat pag nahalo sa tubig. Ehem. Fertiliser fund scandal? Ehem 

Maraming klaseng recipe para sa pagluto nang adobo. At tulad ng adobo, ang shabu ay marami ring recipe at nakadepende sa taga-luto. Chinese recipe, Nigerian recipe, Mexican Recipe o Pinoy-sweet style recipe. Ang ilan pang sangkap na ginagamit ay ang mga sumusunod

  • Acetone
  • Toluene
  • Sulfuric Acid
  • Methanol
  • Muriatic Acid
  • Trichloroethane
  • Lithium

Malalaman mong bagong gamit sila pag

  • Pinapawisan nang madami
  • Walang gana kumain
  • Mabilis ang paghinga
  • Mainit ang katawan
  • Dilated pupils
  • Uncontrollable jaw clenching
  • Doing repetetive meaningless task
  • Tremor
  • rapid or pressured speech (fast, loud and difficult-to-interrupt speech), or jumping from one topic to another

Before and After Pics sa mga Adik sa Shabu:

Treatment:

May kakilala ka bang gustong ipagamot at kailangang ipa-rehab?

REQUIREMENTS ON THE APPLICATION FOR THE TREATMENT AND REHABILITATION OF DRUG DEPENDENTS:
Drug Dependency Examination (DDE)

Drug dependents can apply for Drug Dependency Examination (DDE) with the Central Screening and Referral Unit (CSRU) at Rizal Medical Center, Pasig City.

If a drug dependent resides outside Metro Manila, they may coordinate with their City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) for assistance and for their resident DOH-Accredited Physician to conduct DDE.

Police Clearance and Barangay Clearance where the drug dependent resides.

RTC Clearance – Certificate of No Pending Case

If drug dependent is a minor and has a pending case in Court, he/she together with his / her guardian must secure a Certification of Suspended Sentence from the RTC where the case is filed.

Ito ang mga treatment approach na ginagamit:

Multidisciplinary Team Approach is a method in the treatment and rehabilitation of drug dependents which avails of the services and skills of a team composed of psychiatrist, psychologist, social worker, occupational therapist and other related disciplines in collaboration with the family and the drug dependent.
Therapeutic Community Approach views addiction as a symptomatic manifestation of a more complex psychological problem rooted in an interplay of emotional, social, physical and spiritual values. It is a highly structured program wherein the community is utilized as the primary vehicle to foster behavioural and attitudinal change. The patient receives the information and the impetus to change from being a part of the community. Role modelling and peer pressure play significant parts in the program.
The goal of every therapeutic community is to change the patients’ self-destructive thinking and behavioural pattern, teach them personal responsibility, positivize their self-image, create a sense of human community and provide an environment in which human beings can grow and take responsibility and credit for the growth.
Hazelden-Minnesotta Model views addiction as a disease, an involuntary condition caused by factors largely outside a person’s control. The program consists of didactic lectures, cognitive-behavioural psychology, Alcoholic Anonymous principles / Twelve Steps Principles and biblio-theraphy. It aims to treat patients with chemical dependency, endorsing a set of values and beliefs about the powerlessness of people over drug taking and turning to a Higher Power to help them combat the disease. In this modality, counsellors and patients collaborate in defining the path to recovery.
Spiritual Approach uses the Bible as the primary source of inspiration to change. It views drug addiction as a sin and encourages the patients to turn away from it and renew their relationships with the Lord.
Eclectic Approach aims at applying a holistic approach in the rehabilitation program. The spiritual and cognitive components of the Twelve Steps complement the behavioural aspects of the Therapeutic Community. The skills and services of rehabilitation professionals and paraprofessionals are made available. In doing so, different personality aspects of drug dependants are well addressed geared towards their rehabilitation and recovery.

List of DOH Accredited Treatment and Rehabilitation Center

Pumunta sa website ng DDB.gov.ph para sa kumpletong detalye.

The 20 Countries With The Harshest Drug Laws in the World

Oo, nandyan tayo kaso tinanggal ang death penalty eh. Kaya ayun.

———

Kung alam mo bang ang pagkain mo ay hinaluan ng muriatic acid, kakainin mo pa ba ito? Oo, kung gusto mo mamatay agad.

Ang problema, baka yung iba ay gumagamit ng shabu dahil hindi nila alam kung saan ito gawa at kung ano ang magiging epekto nito sa kanila. Iniisip lang nila yung panandaliang sarap.

Ang magagawa lang natin ay ipakalat ang impormasyon kung ano ang solusyon sa mga nabiktima.

Masyado kasi tayong malaya eh.

———

At bilang panghuli, panoorin ang video na ito.


Metaporista

Leave a Reply